Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Nehemias 9

Nehemias Rango:

4
Mga Konsepto ng TaludtodKapalaluan, Bunga ngKayabangan, Parusa laban saDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngHanggang sa Araw na Ito

At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod, at sa buong bayan ng kaniyang lupain; sapagka't iyong nakilala na sila'y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito.

7
Mga Konsepto ng TaludtodDumaan sa GitnaPagkakahati ng TubigTuyong LupaMga Tao na Gaya ng BatoDiyos na PumapatayTubig na NahatiAng Dagat ay NahatiDiyos na Pumapatay sa mga Tao

At iyong hinawi ang dagat sa harap nila na anopa't sila'y nagsidaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa; at ang mga manghahabol sa kanila ay iyong ibinulusok sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig.

18
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na KapahayaganLiwanag, KaraniwangHaligi, MgaObeliskoPagpapakita ng Diyos sa ApoyLiwanag sa DaigdigSa Isang UmagaDiyos na GumagabayPaglalayag

Bukod dito'y iyong pinatnubayan sila sa isang tila haliging ulap sa araw; at sa isang tila haliging apoy sa gabi, upang bigyan sila ng tanglaw sa daan na kanilang lalakaran.

37
Mga Konsepto ng TaludtodMaringal na KautusanDiyos na Nagsasalita mula sa Langit

Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai, at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan, mga mabuting palatuntunan at mga utos:

45
Mga Konsepto ng TaludtodTinapay, Uri ngKamay ng DiyosMannaUhawDiyos na Nagbibigay ng TubigDiyos na Nagbigay ng Lupain

At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom, at nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw, at inutusan mo sila na magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila.

46
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kahabagan ngGalitKarahasanGalit ng Diyos, Paglalarawan saPakikinigPagpipigilKasalanan at ang Katangian ng DiyosKagandahang Loob ng DiyosSariling KaloobanDiyos na Hindi NagpapabayaGinawang mga AlipinMapagpatawad na DiyosBilis ng Galit ng DiyosGalit at Pagpapatawad

At nagsitanggi na magsisunod, ni hindi man inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi nagpatigas ng kanilang leeg, at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag. Nguni't ikaw ay Dios na madaling magpatawad, mapagbiyaya at puspos ng kaawaan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kahabagan, at hindi mo pinabayaan sila.

48
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod ng PanginoonBanal na mga PanahonSabbath, Pagtatatag saMga Bagay ng Diyos, Nahahayag naAng Kautusan ay Ibinigay sa Pamamagitan ni Moises

At ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na sabbath, at nagutos ka sa kanila ng mga utos, at ng mga palatuntunan, at ng kautusan, sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod:

54
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutan ang DiyosLeeg, MgaKapalaluan, Bunga ngSarili, Pagdadahilan saKatigasanHindi Pananalig, Bilang Tugon sa DiyosSariling KaloobanPalalong mga TaoPaglabag sa Kautusan ng Diyos

Nguni't sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan, at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi dininig ang iyong mga utos.

69
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanPatnubay ng Diyos, Pagtanggap ngObeliskoPagpapakita ng Diyos sa ApoyLiwanag sa DaigdigDiyos na Hindi NagpapabayaSa Isang UmagaDiyos na Gumagabay

Gayon ma'y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran.

99
Mga Konsepto ng TaludtodGintong GuyaAno ba na Hindi ang DiyosPagsasaalis ng Israel mula sa EhiptoIba pa na Inaalis ang Israel mula Ehipto

Oo, nang sila'y magsigawa sa kanila ng isang guyang binubo, at magsabi, Ito ay iyong Dios na nagahon sa iyo mula sa Egipto, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi;

100
Mga Konsepto ng TaludtodPananamitAng Bilang Apatnapu40 hanggang 50 mga taonBagay na Naluluma, MgaDiyos na Nagbibigay

Oo apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang, at hindi sila nagkulang ng anoman; ang kanilang mga suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.

108
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayKasaganahan, Materyal naKasiyahan, Mabuting Uri ngOlibo, MgaUbasanBalon, MgaGawing Pag-aariPagbihag sa mga Lungsod

At sila'y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan, at ng matabang lupain, at nangagari ng mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, ng mga balon na hinukay, ng mga ubasan, at ng mga olibohan, at ng mga punong kahoy na may bungang sagana: na anopa't sila'y nagsikain, at nangabusog, at naging mataba, at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob.

160
Mga Konsepto ng TaludtodTelaAsetisismo, Uri ngPagsisisi, Halimbawa ngSako at AboPagaayuno, Kaalinsabay ngBuwan, IkapitongPagaayunoPagaayuno at Pananalangin

Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila.

250
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kaluwalhatian ngPapuriDiyos na Walang HangganImortalidad sa Lumang TipanNakatayoKaluwalhatian ng DiyosKaluwalhatian ng Diyos, Kapahayagan ngWalang Hanggang PapuriPagpapahayag sa Pangalan ng DiyosPurihin ang Panginoon!

Nang magkagayo'y ang mga Levita; si Jesua at si Cadmiel, si Bani, at si Hosabnias, si Serebias, si Odaias, si Sebanias, at si Pethaia, ay nagsipagsabi, Kayo'y magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan: at purihin ang iyong maluwalhating pangalan, na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri.

261
Mga Konsepto ng TaludtodKaharian, MgaDiyos na Nagtatakda ng Hangganan

Bukod dito'y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong binahagi ayon sa kanilang mga bahagi: sa gayo'y kanilang inari ang lupain ng Sehon, sa makatuwid baga'y ang lupain ng hari sa Hesbon, at ang lupain ni Og na hari, sa Basan.

262
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalakas-Loob, Halimbawa ngKawalang GalangHamonKawalang Utang na LoobPagkamartir, Halimbawa ngPagkamartir, Dahilan ngHindi Tapat sa DiyosKatangian ng MasamaPaghihimagsik laban sa Diyos, Katangian ngPaghihimagsik laban sa Diyos, Ipinakita saPagpatay sa mga PropetaPaglabag sa Kautusan ng Diyos

Gayon ma'y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila'y magsipanumbalik sa iyo, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.

281
Mga Konsepto ng TaludtodNakaraan, AngDiyos na Nagpangalan sa Kanyang BayanPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga Lugar

Ikaw ang Panginoon na Dios, na siyang pumili kay Abram, at naglabas sa kaniya sa Ur ng mga Caldeo, at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.

287
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Halimbawa ngYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

Sa gayo'y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain, at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ng kanilang mga hari, at ang mga bayan ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin.

292
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Ugali ng Diyos labanSinagot na PanalanginPagsagipTagapagligtas, MgaDiyos na Nagliligtas mula sa mga KaawayDiyos na Nagbigay Pansin sa KanilaDiyos, Panalanging Sinagot ng

Kaya't iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila'y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban.

293
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakasala, Kaugnayan ng Mananampalataya saBanyaga, MgaPagsamba, Sangkap ngPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoPag-Iwas sa mga BanyagaKasalanan, Ipinahayag naPagpapahayag

At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang.

295
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapala kay AbrahamBituin, Mga

Ang kanila namang mga anak ay pinarami mo na gaya ng mga bituin sa langit, at mga ipinasok mo sila sa lupain, tungkol doon sa iyong sinabi sa kanilang mga magulang, na sila'y magsiparoon, upang ariin.

297
Mga Konsepto ng TaludtodHagdananSumisigaw sa Panginoon

Nang magkagayo'y nagsitayo sa mga baytang ng mga Levita, si Jesua, at si Bani, si Cadmiel, si Sebanias, si Bunni, si Serebias, si Bani at si Chenani, at nagsidaing ng malakas sa Panginoon nilang Dios.

303
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Kalikasan ngMatigas ang UloBuhay sa Pamamagitan ng Pagtupad sa KautusanGawa ng KautusanPalalong mga Tao

At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon ma'y nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (na kung gawin ng isang tao, siya'y mabubuhay sa kanila,) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig.

304
Mga Konsepto ng TaludtodAraw, Karaniwang Gamit ng mgaAklat ng KautusanPagbabasaSinagogaPagsamba, Sangkap ngPagbabasa ng KasulatanIkaapat na BahagiKasalanan, Ipinahayag naNananambahan sa DiyosNananambahan ng SamasamaPagbabasa ng BibliaPagpapahayag

At sila'y nagsitayo sa kanilang dako, at bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan, at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios.

306
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katapatan ngDiyos, Katuwiran ngPuso at Espiritu SantoBinagong PusoDiyos na Nagbigay ng LupainTipan ng Diyos sa mga Patriarka

At nasumpungan mo ang kaniyang puso na tapat sa harap mo, at nakipagtipan ka sa kaniya, upang ibigay ang lupain ng Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Jebuseo, at ng Gergeseo, upang ibigay sa kaniyang binhi, at tumupad ng iyong mga salita; sapagka't ikaw ay matuwid.

309
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kahabagan ngPinabayaanPaghihimagsik ng IsraelPagsasagawa ng Paulit-ulitDiyos na Nagbigay Pansin sa Kanila

Nguni't pagkatapos ng kanilang kapahingahan, sila'y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo: kaya't pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na anopa't mga napapanginoon sa kanila: gayon ma'y nang sila'y magsipanumbalik, at magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan.

310
Mga Konsepto ng TaludtodPagdating sa Dagat na PulaDiyos na Nagbigay Pansin sa Kanila

At iyong nakita ang kadalamhatian ng aming mga magulang sa Egipto, at iyong dininig ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Mapula:

319
Mga Konsepto ng TaludtodKahirapan, Panalangin sa Oras ngPanghihina ng LoobBiyaya sa Lumang TipanPanalangin sa Oras ng Panghihina ng LoobMaliitinMakapangyarihan, AngDiyos na Dapat KatakutanDiyos na Tumutupad ng TipanKahirapan

Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.

326
Mga Konsepto ng TaludtodPinagkasunduanLiterasiyaPagsusulatTipan, Relasyon saHuling Pahayag ng Tipan sa Diyos, Mga

At gayon ma'y dahil sa lahat na ito ay tapat na nangakikipagtipan kami, at isinusulat namin; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe, ng aming mga Levita, at ng aming mga saserdote.

328
Mga Konsepto ng TaludtodPinahihirapang mga Banal

Gayon ma'y banal ka sa lahat na dumating sa amin; sapagka't gumawa kang may pagtatapat, nguni't nagsigawa kaming may kasamaan:

330
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngMahabaginIsipan ng DiyosDiyos na Hindi Nagpapabaya

Gayon ma'y sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo lubos na niwakasan sila, o pinabayaan man sila; sapagka't ikaw ay mapagbiyaya at maawaing Dios.

339
Mga Konsepto ng TaludtodKaimperpektuhan, Impluwensya ngPaglabag sa Kautusan ng Diyos

Kahit ang aming mga hari, ang aming mga pangulo, ang aming mga saserdote, o ang aming mga magulang man, hindi nangagingat ng iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo, na iyong ipinatotoo laban sa kanila.

368
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Naglilingkod sa Diyos

Sapagka't sila'y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila, at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila, o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa.

374
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbigay ng LupainGrupo ng mga Alipin

Narito, kami ay mga alipin sa araw na ito, at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon, at ang buti niyaon, narito, kami ay mga alipin doon.

381
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanPag-AaniHindi Nababagay na Paghahari

At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan: sila nama'y may kapangyarihan din sa aming mga katawan, at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila, at kami ay nangasa malaking kapanglawan.