11 Talata sa Bibliya tungkol sa Kapayapaang Ginawa sa Pamamagitan ni Cristo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Roma 11:15

Sapagka't kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay?

2 Corinto 5:19

Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.

Mateo 10:34

Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a