6 Talata sa Bibliya tungkol sa Mga Ulo ng Pamilya
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Sapagka't siya'y aking kinilala, upang siya'y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.
Nang magkagayo'y sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan, at sa lahat niyang kasama. Ihiwalay ninyo ang mga dios ng iba na nangasa inyo, at magpakalinis kayo, at magbago kayo ng inyong mga suot:
At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.
Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail.
Mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
Mga Katulad na Paksa
- Abuso sa Kapangyarihan, Babala laban sa
- Ama, Mga Pananagutan ng mga
- Bata, Mga
- Disiplina sa Pamilya
- Disiplinadong Bata
- Ebanghelista, Pagkatao ng
- Edukasyon sa Tahanan
- Employer, Mabuting Halimbawa ng mga
- Magulang na Mali
- Magulang sa mga Anak, Tungkulin ng
- Magulang, Pagmamahal ng mga
- Mapag-abusong Magulang
- Mapangalaga sa mga Bata