8 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkaalipin, Espirituwal na
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.
Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan.
Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo:
Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?
Na pinangangakuan ng kalayaan, samantalang sila'y mga alipin ng kabulukan; sapagka't ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon.
At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.
Bukod dito'y dapat din namang siya'y magkaroon ng mabuting patotoo ng nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan at silo ng diablo.
Sapagka't nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan.