59 Talata sa Bibliya tungkol sa Satanas
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.
Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.
Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.
Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagka't kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang.
At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,
Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo:
At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.
Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:
At si Satanas ay dudurugin ng Dios ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo.
Upang ang ganyan ay ibigay kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman, upang ang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus.
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.
At sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.
At sinabi niya sa kanila, Nakita ko si Satanas, na nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit.
Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.
Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.
Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,
At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo'y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.
At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali.
At nang ako'y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako'y tampalin, nang ako'y huwag magpalalo ng labis.
Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas.
Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;
At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.
At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.
Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.
Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila.
Sapagka't nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas.
Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.
Mga Paksa sa Satanas
Ang 'Kung' ni Satanas
Mateo 10:28At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.
Kawalang Kakayahan ni Satanas
Mga Taga-Colosas 2:15Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay na ito.
Pag-aakusa, Gawain ni Satanas ang
Zacarias 3:1-2At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway.
Paghihimagsik ni Satanas at ng mga Anghel
Pahayag 12:7At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka;
Pagkaprinsipe ni Satanas
Juan 12:31Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.
Pagkawasak ng mga Gawa ni Satanas
Sofonias 1:4At aking iuunat ang aking kamay sa Juda, at sa lahat na nananahan sa Jerusalem; at aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito, at ang pangalan ng mga Chemarim sangpu ng mga saserdote;
Pagtatali kay Satanas
Pahayag 20:1-3At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.
Pangalan at Titulo para kay Satanas
Pahayag 9:11Sila'y may pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon, at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon.
Panlilinlang na Kapangyarihan ni Satanas
Juan 8:44Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.
Satanas bilang Kaaway ng Diyos
1 Paralipomeno 21:1At si Satan ay tumayo laban sa Israel, at kinilos si David na bilangin ang Israel.
Satanas bilang Mamumuksa
Juan 10:10Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.
Satanas bilang Manlilinlang
Genesis 3:4-5At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:
Satanas bilang Manunukso
Genesis 3:1-5Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?
Satanas bilang Prinsipe ng Sanlibutan
Juan 12:31Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.
Satanas, Galit ni
1 Juan 3:12Hindi gaya ni Cain na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid.
Satanas, Hindi Magagawa ni
Job 1:12At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo'y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.
Satanas, Ikinumpara sa mga Hayop
Awit 91:3Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot.
Satanas, Kaharian ni
1 Juan 5:19Nalalaman natin na tayo'y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.
Satanas, Kanyang Paglaban sa Salita ng Diyos
Juan 8:44Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.
Satanas, Kapangyarihan ni
Job 1:12At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo'y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.
Satanas, Katangian ni
Job 1:6Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila.
Satanas, Mga Gawa ni
Genesis 3:1Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?
Satanas, Mga Kampon ni
Juan 8:44Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.
Satanas, Mga Katawagan kay
Pahayag 9:11Sila'y may pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon, at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon.
Satanas, Pagkagapi ni
Juan 14:30Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin;
Satanas, Pakikipaglaban kay
Job 1:12At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo'y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.
Satanas, Pananakop ni
Lucas 8:2At ang ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit, si Maria, na tinatawag na Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang nagsilabas,
Satanas, Pinagmulan ni
Isaias 14:12-20Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
Satanas, Pinaparatangan ang mga Mananampalataya
Pahayag 12:10At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo'y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka't inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila'y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.
Mga Katulad na Paksa
- Akusa, Pinagmumulan ng
- Ang Diyablo
- Anghel, Naghimagsik sa Diyos na mga
- Biyaya ay Sumaiyo Nawa
- Diyos Lamang
- Diyos, Panukala ng
- Espiritu, Mga
- Espirituwal na Digmaan, Kalaban sa
- Espirituwal na Digmaan, Sanhi ng
- Hadlang, Mga
- Impluwensya ng Demonyo
- Judio, Mga
- Kaaway ng Diyos
- Kaaway ng mga Mananampalataya
- Kahirapan, Kaaliwan sa Oras ng
- Kahirapan, Mga
- Kaparusahan ng Diyos
- Kapayapaan
- Karapatan
- Kasalanan, Mga Sanhi ng
- Kosmikong mga Nilalang
- Labanan ang Tukso
- Lagalag, Mga
- Lawa
- Lingkod, Panambahan sa Diyos at Pagiging
- Lucifer
- Magpakumbaba Ka
- Maiksing Panahon Hanggang Katapusan
- Makasatanas
- Masama, Pinagmulan ng
- Masama, Tagumpay laban sa
- Masama, Tugon ng Mananampalataya sa
- Masamang mga Anghel
- Nananambahan sa Diyos
- Paa, Mga
- Pagbabantay sa Sarili
- Pagbulusok
- Paghahadlang sa Gawain ng Diyos
- Paghihimagsik ni Satanas at ng mga Anghel
- Paghihirap ni Jesu-Cristo
- Pagkakaalam tungkol sa Kaharian ng Diyos
- Pagkatalo
- Pagsamba, Mga Dahilan ng
- Pagsasaayos ng Kaguluhan
- Pagsisinungaling
- Pagsuko
- Pangaakit
- Pangalan at Titulo para kay Satanas
- Sakit
- Sambahin ang Diyos!
- Satanas bilang Kaaway ng Diyos
- Satanas bilang Manlilinlang
- Satanas bilang Manunukso
- Satanas, Hindi Magagawa ni
- Satanas, Ikinumpara sa mga Hayop
- Satanas, Kaharian ni
- Satanas, Kapangyarihan ni
- Satanas, Katangian ni
- Satanas, Mga Gawa ni
- Satanas, Mga Kampon ni
- Satanas, Mga Katawagan kay
- Satanas, Pagkagapi ni
- Satanas, Pakikipaglaban kay
- Tagumpay laban sa mga Espirituwal na Puwersa
- Tao, Kanyang Kapamahalaan sa Diyablo
- Tukso
- Tukso, Labanan ang
- Umalis sa Presensya ng Diyos