9 Talata sa Bibliya tungkol sa Satanas, Kapangyarihan ni
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo'y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.
At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na sa akin; at ibibigay ko kung kanino ko ibig.
Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.
At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak:
Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.
Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,
Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo:
Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Diyablo
- Ang Kapangyarihan ng Ibang mga Nilalang
- Dugo
- Espirituwal na Digmaan, Sanhi ng
- Hindi Pananalig, Katangian at Epekto ng
- Huwad
- Kadiliman
- Makasatanas
- Masama, Pinagmulan ng
- Mga Bagay ng Diyos, Natatagong
- Mga Taong Nagbibigay ng mga Bagay sa Iba
- Pag-ebanghelyo, Katangian ng
- Pagpapakasakit
- Pagpapakasakit
- Pahayag sa Bagong Tipan
- Pamunuan at Kapangyarihan
- Pamunuan, Mga
- Pangalan at Titulo para kay Satanas
- Paninindigan sa Mundo
- Propesiya
- Satanas
- Satanas, Kaharian ni
- Satanas, Mga Katawagan kay
- Umalis sa Presensya ng Diyos