38 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpako sa Krus

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Juan 19:25

Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena.

Marcos 15:22

At siya'y kanilang dinala sa dako ng Golgota, na kung liliwanagin ay, Ang dako ng bungo.

Juan 19:23

Ang mga kawal nga, nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus, ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi, sa bawa't kawal ay isang bahagi; at gayon din naman ang tunika: at ang tunika ay walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas.

Juan 19:20

Marami nga sa mga Judio ang nakabasa ng pamagat na ito, sapagka't ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa bayan; at ito'y nasusulat sa Hebreo, at sa Latin, at sa Griego.

Mga Taga-Galacia 2:20
Mga Konsepto ng TaludtodAting Pagkapako sa KrusBuhay sa Materyal na MundoBuhay ay na kay CristoAng Isinukong BuhayKaraniwang BuhayCristo, Pagibig niMuling PagsilangNananatiling Malakas at Hindi SumusukoNamumuhay para sa DiyosHindi SumusukoPananampalataya sa DiyosPagibigMasaganang BuhayDiyos, Pagkakaisa ngPakinabang ng Pananampalataya kay CristoPananatili kay CristoPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngPablo, Katuruan niPagiging Ganap na KristyanoHindi KamunduhanKatubusanBuhay na Karapatdapat IpamuhayKasalanan, Tugo ng Diyos saBuhay PananampalatayaHindi AkoKinatawanJesu-Cristo, Pagibig niPagkabuhay na Maguli, Espirituwal naPagiisaPagdidisipulo, Halaga ngMalusog na Buhay may AsawaKapalitPagibig, Katangian ngPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanTinatahanan ni CristoPagpapakabanal, Paraan at Bunga ngKahulugan ng PagkabuhaySumusukoKamatayan sa SariliUriPagpatay ng Sariling LayawWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngPagkamatay kasama ni CristoJesus, Kusang Loob na Pagbibigay ng Kanyang BuhaySarili, Paglimot saPakikibahagi sa Kamatayan at Pagkabuhay ni CristoPagpako kay Jesu-CristoDiyos, Ipinaubaya ngPagtanggap kay CristoPakikipagisa kay Cristo, Kahalagahan ngPakikibahagi kay CristoWalang Hanggang Buhay, Karanasan saPatay sa KasalananCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaKasalanan, Pagiwas saTiwala at Tingin sa Sarili

Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

Juan 19:41

Sa dako nga ng pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan; at sa halamana'y may isang bagong libingan na kailan ma'y hindi pa napaglalagyan ng sinoman.

Marcos 15:25

At ikatlo na ang oras, at siya'y kanilang ipinako sa krus.

Juan 19:16

Nang magkagayon nga'y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus.

Juan 19:32

Nagsiparoon na ang mga kawal, at inumog ang mga hita ng una, at ng sa isa na ipinako sa krus na kasama niya:

Mateo 27:33

At nang sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, sa makatuwid baga'y, Ang dako ng bungo,

Marcos 15:15

At sa pagkaibig ni Pilato na magbigay-loob sa karamihan, ay pinawalan sa kanila si Barrabas, at ibinigay si Jesus, pagkatapos na siya'y mahampas niya, upang siya'y ipako sa krus.

Mateo 27:54

Ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios.

Lucas 23:42

At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.

Mateo 27:22

Sinabi sa kanila ni Pilato, Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo? Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus.

Lucas 23:21

Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.

Lucas 23:25

At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.

Marcos 15:28

At natupad ang kasulatan, na nagsasabi: At siya'y ibinilang sa mga suwail.

Lucas 24:20

At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a