8 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Tugon sa Kawalang Katiyakan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 37:1-5

Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. Sapagka't sila'y madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo. Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat.magbasa pa.
Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.

Deuteronomio 33:12

Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi, Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya; Siya'y kakanlungan niya buong araw, At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.

1 Mga Hari 2:45

Nguni't ang haring si Salomon ay magiging mapalad, at ang luklukan ni David ay magiging matatag sa harap ng Panginoon magpakailan man.

Awit 16:5

Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: iyong inaalalayan ang aking kapalaran.

Awit 48:8

Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)

Kawikaan 3:5-6

Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

Never miss a post

n/a