Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Tesalonica 3

2 Tesalonica Rango:

7
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Bagong TipanPagtitiwala sa Ibang TaoSumusunod sa EbanghelyoWalang Pasubaling Pagibig

At may pagkakatiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo, na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos.

8
Mga Konsepto ng TaludtodMasama, Tugon ng Mananampalataya saPagtitiwalagKakuparanTradition, MgaPakikisama sa MasamaMasamang mga KasamaMasamang mga KasamahanSa Ngalan ni CristoKristyanong TradisyonKatangian ng TaoHindi PakikitungoTao, Atas ngKristyano, Tinawag na mga Kapatid

Aming inuutos nga sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y magsihiwalay sa bawa't kapatid na lumalakad ng walang kaayusan, at hindi ayon sa aral na tinanggap nila sa amin.

16
Mga Konsepto ng TaludtodPagdidisupulo, Katangian ngPanggagayaTrabahoTinutularan ang mga Mabubuting Tao

Sapagka't kayo rin ang nangakakaalam kung paano kami ay inyong dapat tularan: sapagka't kami ay hindi nangagugali ng walang kaayusan sa inyo;

17
Mga Konsepto ng TaludtodKasipaganGabiKahirapan, Sagot saTrabaho sa Araw at GabiYaong mga NagpagalKahirapan

Ni nagsikain man kami ng walang bayad ng tinapay ng sinoman; kundi sa pagpapagal at sa pagdaramdam na gumagawa gabi't araw, upang kami ay huwag maging pasanin sa kanino man sa inyo:

19
Mga Konsepto ng TaludtodPanggagayaMinistro, Sila ay Dapat NaTinutularan ang mga Mabubuting TaoHalimbawa ng mga Mananampalataya

Hindi dahil sa kami ay walang karapatan, kundi upang kami ay mangakapagbigay sa inyo ng isang uliran, upang kami ay inyong tularan.

23
Mga Konsepto ng TaludtodSalapi, Pagkakatiwala ngKatahimikanPisikal na TrabahoPagsasagawa ng Sariling TrabahoTao, Atas ngTao, Nagtratrabahong mga

Sa mga gayon nga ay aming iniuutos at ipinamamanhik sa Panginoong Jesucristo, na sila'y magsigawang may katahimikan, at magsikain ng kanilang sariling tinapay.

24
Mga Konsepto ng TaludtodDisiplina ng DiyosPakikibahagi sa KasalananKahihiyanIglesia, Disiplina saPagharap sa KasalananPagkabuwag ng SamahanMabuting mga KasamaKasamahanHindi PakikitungoWalang Pakikitungo

At kung ang sinoma'y hindi tumalima sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito, inyong tandaan ang taong yaon, upang huwag kayong makisama sa kaniya, nang siya'y mahiya.

25
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging TunayPagbatiTatak sa mga Tao, MgaPagsusulat ng Bagong Tipan

Ang bati na sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo, na siyang tanda sa bawa't sulat: gayon sumusulat ako.

26
Mga Konsepto ng TaludtodDisiplina ng DiyosPayo, BabalaPagtutuwid sa KapatidBabala sa mga TaoMagkapatid, Pagibig ng

At gayon ma'y huwag ninyong ariin siyang kaaway, kundi inyo siyang paalalahanan tulad sa kapatid.

30
Mga Konsepto ng TaludtodBiyaya ay Sumaiyo Nawa

Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang lahat.