Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Awit 35

Awit Rango:

520
Mga Konsepto ng TaludtodSumisigaw sa GalakKaunlaranDiyos, Paghihiganti ngNagagalak sa KatarunganMilyonaryo, Kaisipan ngPagtatanggolKariwasahanDiyos bilang Bukal ng Ligaya

Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon, na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.

581
Mga Konsepto ng TaludtodUnang LumabanLabananKaaway, Atake ng mgaNagpupunyagi

Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin: lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin.

703
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Gawain ngTelaKapakumbabaanPanalangin, Praktikalidad saMapangalaga sa mga MaysakitMaysakit na isang TaoPaano Mag-ayunoKapakumbabaan ng SariliPagaayunoPagaayuno at Pananalangin

Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo: aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.

911
Mga Konsepto ng TaludtodAng NangangailanganMasamang PamumunoButo, MgaDiyos na TagapagkaloobPaniniil, Ugali ng Diyos laban saKahirapan, Sagot saKahirapan, Espirituwal naPagsagipDiyos at ang MahirapMapangalaga sa IbaBahagi ng KatawanSinong Katulad ng Diyos?

Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, sino ang gaya mo, na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya, Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?

933
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Halimbawa ngPag-uusig, Uri ngSaksi, Mga BulaangPaghingiKahangalan sa TotooRosasAkusa

Mga saksing masasama ay nagsisitayo; sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman.

1034
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ni Jesu-CristoPagkamuhiKindatPagkamuhing Walang DahilanNagagalak sa MasamaPagtagumpayan ang KahirapanMga Taong may Galit

Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway; ni magkindat man ng mata ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.

1109
Mga Konsepto ng TaludtodLugodIkaw ay Magagalak sa KaligtasanNagagalak Kapag may Isang Naliligtas

At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon: magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas.

1333
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aalinlangan sa Pagmamalasakit ng DiyosLeon, MgaPagsagipMatagal na PagpapahirapPagliligtas mula sa mga LeonBago Kumilos ang Diyos

Panginoon, hanggang kailan titingin ka? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira, ang aking sinta mula sa mga leon.

1623
Mga Konsepto ng TaludtodPalakolHinahanap na KarahasanItinatapong mga SibatSandata ng DiyosDiyos ng Aking KaligtasanPagliligtas

Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin: sabihin mo sa aking kaluluwa, Ako'y iyong kaligtasan.

1733
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Halimbawa ngPangangagatNgipinPagbibiroNangangalit ang NgipinMapanlibak, MgaWalang Tigil

Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan, kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin.

1756
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Utang na LoobGinagantihan ang Masama ng Mabuti

Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, sa pagpapaulila ng aking kaluluwa.

1761
Mga Konsepto ng TaludtodWalang KabaitanKatangian ng MasamaKawalang HabagKawalang Habag, Hinatulan angMga Taong NatitisodWalang Alam sa mga TaoNagagalak sa Masama

Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipisan: ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;

1765
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasKahihiyanPanalangin bilang Paghingi sa DiyosPatibongNagplaplano ng MasamaTinatangkang Patayin AkoNasaktanPagkaunsamiNasasaktan

Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa: mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.

1809
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel, Ministeryo sa mga Di-Mananampalataya ng mgaLiwanag bilang Ipa

Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin, at itaboy sila ng anghel ng Panginoon.

2098
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakad sa KadilimanMadulasKadiliman ng KasamaanMasamang PamamaraanPag-uusigLandas, Mga

Maging madilim nawa, at madulas ang kanilang daan, at habulin sila ng anghel ng Panginoon.

2155
Mga Konsepto ng TaludtodLambatPatibong na Inihanda para sa mga TaoPaghuhukayTao, Patibong sa

Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng kanilang silo sa hukay, walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.

2175
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos Ko, Tulong!KalasagTulong

Humawak ka ng kalasag at ng longki, at tumayo ka na pinaka tulong sa akin.

2218
Mga Konsepto ng TaludtodKalituhanKahihiyanNadaramtan ng Masamang BagayNagagalak sa MasamaNasaktan

Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak: manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin.

2246
Mga Konsepto ng TaludtodTanggulang Gawa ng DiyosPagtulog, Espirituwal naDiyos, Paggising ngIkaw ang Aming DiyosPagtatanggol

Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan, sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.

2267
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamahal, Pagpapadama ngPangungulila, Pahayag ngPagyukodUlo, MgaUgali sa iyong InaTinatangisan ang KamatayanKamatayan ng isang InaPagdadalamhati

Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid: ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.

2280
Mga Konsepto ng TaludtodPagaangkinPanlilinlang na nasa Makasalanang Likas ng TaoKatahimikanKapayapaan para sa MasamaMapanlinlang na DilaWalang Kapayapaan

Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan: kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.

2283
Mga Konsepto ng TaludtodMagkapares na mga SalitaAlimurahin ang mga TaoPagkakita sa mga Sitwasyon

Oo, kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin; kanilang sinasabi: Aha, aha, nakita ng aming mata.

2319
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katuwiran ngPag-uusig, Ugali saNagagalak sa MasamaPagtatanggol

Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran; at huwag mo silang pagalakin sa akin.

2380
Mga Konsepto ng TaludtodKakulangan sa PagasaHayaang Lumago ang KasamaanSurpresa

Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak; at hulihin nawa siya ng kaniyang silo na kaniyang ikinubli: mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.

2405
Mga Konsepto ng TaludtodKatahimikanDiyos na Nasa Malayo

Iyong nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik, Oh Panginoon, huwag kang lumayo sa akin.

2446
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga Hangarin

Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin: huwag silang magsabi: Aming sinakmal siya.