Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 11

Deuteronomio Rango:

115
Mga Konsepto ng TaludtodNakataling mga MaisPatubigLangisUlanProbisyon, MgaDiyos na Naghatid ng UlanInaaniHuli, PagigingTagsibol

Ay ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kaniyang kapanahunan, ang una at huling ulan upang iyong makamalig ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis.

129
Mga Konsepto ng TaludtodMapagtanggap, PagigingBabalaPangaakitPanlilinlang sa SariliMagbantayIba't ibang mga Diyus-diyusanHinikayat na Sumamba sa Banyagang Diyus-diyusan

Mangagingat kayo, baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila;

169
Mga Konsepto ng TaludtodDamoKasiyahanDiyos na Nagpapakain sa DaigdigPagbibigay

At aking bibigyan ng damo ang iyong mga hayop sa iyong mga bukid, at ikaw ay kakain at mabubusog.

175
Mga Konsepto ng TaludtodTagtuyot, Pisikal naUlanHindi PagbubungaLagay ng Panahon bilang Hatol ng DiyosElemento, Kontrol sa mgaHindi PagkalugodBanal na Kapangyarihan sa Kalikasan

At ang galit ng Panginoon ay magalab laban sa inyo, at kaniyang sarhan ang langit, upang huwag magkaroon ng ulan, at ang lupa'y huwag magbigay ng kaniyang bunga; at kayo'y malipol na madali sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon.

178
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusulat sa isang Bagay

At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay, at sa iyong mga pintuang-daan:

184
Mga Konsepto ng TaludtodMediteraneo, DagatPaa sa PagsasakatuparanHanggang sa Hangganan ng Euprates

Bawa't dakong tutuntungan ng talampakan ng inyong paa ay magiging inyo: mula sa ilang, at sa Libano, mula sa ilog, sa ilog Eufrates, hanggang sa dagat kalunuran ay magiging inyong hangganan.

193
Mga Konsepto ng TaludtodPaano Mabuhay ng MatagalWalang Hanggang PagaariDiyos na Nagbigay ng LupainAng DaigdigLupain

Upang ang inyong mga araw ay dumami at ang mga araw ng inyong mga anak, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila, gaya ng mga araw ng langit sa ibabaw ng lupa.

195
Mga Konsepto ng TaludtodPaninindigan sa DiyosPagkapit sa DiyosKung Susundin Ninyo ang KautusanAng Pangangailangan na Ibigin ang Diyos

Sapagka't kung inyong susunding masikap ang buong utos na ito na aking iniuutos sa inyo upang gawin, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, lumakad sa lahat ng kaniyang daan, at makilakip sa kaniya:

213
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba sa DiyosPaninindigan sa DiyosMaayos na Turo sa Lumang TipanPagibig para sa Diyos, Katangian ngPagibig sa DiyosAng Pangangailangan na Ibigin ang DiyosTuparin ang Kautusan!Pagpapabuti

Kaya't iyong iibigin ang Panginoon mong Dios, at iyong susundin ang kaniyang bilin, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga utos kailan man.

236
Mga Konsepto ng TaludtodAng Panginoon ang Magpapalayas sa Kanila

Ay palalayasin nga ng Panginoon ang lahat ng mga bansang ito sa harap ninyo, at kayo'y magaari ng mga bansang lalong malaki at lalong makapangyarihan kay sa inyo.

238
Mga Konsepto ng TaludtodPinagpalaPagpapala at SumpaMasunurinPagpapala mula sa DiyosSumusunod sa DiyosKautusanSumusunod

Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na aking iniutos sa inyo sa araw na ito;

242
Mga Konsepto ng TaludtodKabundukanAng Sumpa ng KautusanPagpapala at SumpaSumpa

At mangyayari, na pagka ikaw ay ipapasok ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, na iyong ilalagay ang pagpapala sa bundok ng Gerizim, at ang sumpa sa bundok ng Ebal.

243
Mga Konsepto ng TaludtodHardin, KaraniwangPatubigIlog at Sapa, MgaHindi LikasHindi Tulad ng mga BagayPaa sa PagsasakatuparanHardin, MgaHalamang GamotLupain

Sapagka't ang lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, ay hindi gaya ng lupain ng Egipto, na inyong pinanggalingan, na doo'y nagtatanim ka ng iyong binhi, at iyong dinidilig ng iyong paa, na parang taniman ng mga gulay;

249
Mga Konsepto ng TaludtodPamamaraan ng DiyosPagsuway sa DiyosHindi Kilalang mga Diyus-diyusanAng Sumpa ng KautusanIba't ibang mga Diyus-diyusanParusa sa Paglilingkod sa mga Diyus-diyusanSumusunod sa DiyosPagsuwaySumpaSumusunod

At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala.

258
Mga Konsepto ng TaludtodHindi MagagapiKakayahang TumindigTagumpay sa Pamamagitan ng Diyos

Walang lalaking makatatayo sa harap ninyo: sisidlan ng Panginoon ninyong Dios ng takot sa inyo at ng sindak sa inyo sa ibabaw ng buong lupain na inyong tutuntungan, gaya ng kaniyang sinalita sa inyo.

259
Mga Konsepto ng TaludtodAng ArawKanluranOak, Mga Puno ngLampas sa Jordan

Di ba sila'y nasa dako pa roon ng Jordan, sa dakong nilulubugan ng araw, sa lupain ng mga Cananeo na tumatahan sa Araba, sa tapat ng Gilgal na kasiping ng mga encina sa More?

261
Mga Konsepto ng TaludtodNilunok

At kung ano ang kaniyang ginawa kay Dathan at kay Abiram, na mga anak ni Eliab, na anak ni Ruben; kung paanong ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig, at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang kanilang mga tolda, at bawa't bagay na may buhay na sa kanila'y sumusunod sa gitna ng buong Israel:

268
Mga Konsepto ng TaludtodPatubig

Kundi ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin, ay lupaing maburol at malibis, at dinidilig ng tubig ng ulan sa langit:

270
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusan sa Lumang TipanDisiplinadong Bata

At talastasin ninyo sa araw na ito: sapagka't hindi ko sinasalita sa inyong mga anak na hindi nangakakilala, at hindi nangakakita ng parusa ng Panginoon ninyong Dios ng kaniyang kadakilaan, ng kaniyang makapangyarihang kamay at ng kaniyang unat na bisig,

291
Mga Konsepto ng TaludtodTuparin ang Kautusan!

Kaya't inyong susundin ang buong utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang kayo'y lumakas at kayo'y pumasok at ariin ninyo ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin;

295
Mga Konsepto ng TaludtodPaano Mabuhay ng MatagalDiyos na Nagbigay ng LupainGatas at Pulot

At upang inyong maparami ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi na lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

301
Mga Konsepto ng TaludtodPuso ng Tao

At ng kaniyang mga tanda, at ng kaniyang mga gawa, na kaniyang ginawa sa gitna ng Egipto kay Faraon na hari sa Egipto, at sa kaniyang buong lupain;

305
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheKabayo, MgaSinisirang mga KarwaheMakalupang Hukbo

At ang kaniyang ginawa sa hukbo ng Egipto, sa kanilang mga kabayo, at sa kanilang mga karo; kung paanong tinakpan niya sila ng tubig ng Dagat na Mapula nang kanilang habulin kayo, at kung paanong nilipol sila ng Panginoon sa araw na ito;

310
Mga Konsepto ng TaludtodMinamasdan ang mga Gawa ng Diyos

Nguni't nakita ng inyong mga mata ang lahat ng dakilang gawa ng Panginoon na kaniyang ginawa.

344
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nanguna sa Paglalakbay sa Ilang

At kung ano ang kaniyang ginawa sa inyo sa ilang hanggang sa dumating kayo sa dakong ito;

429
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri, MgaLubidPagpapakabanal, Paraan at Bunga ngKaisipanNakisama sa KabutihanTatak sa mga Tao, MgaMakinig sa Diyos!Ang Salita ng DiyosHalaga

Kaya't inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo.

431
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa DiyosPuso at Espiritu SantoBuong PusoMasunurin sa DiyosAng Pangangailangan na Ibigin ang Diyos

At mangyayari, na kung inyong didingging maigi ang aking mga utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios at siya'y paglingkuran ng buo ninyong puso, at ang buo ninyong kaluluwa,

446
Mga Konsepto ng TaludtodAng Sumpa ng KautusanPagpapala at SumpaPagpapala mula sa DiyosKakayahanSumpa

Narito, inilalagay ko sa harap ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa;

525
Mga Konsepto ng TaludtodTuparin ang Kautusan!

At inyong isasagawa ang lahat ng mga palatuntunan at mga kahatulan na aking iginagawad sa inyo sa araw na ito.

589
Mga Konsepto ng TaludtodPagtawid tungo sa Lupang Pangako

Sapagka't kayo'y tatawid sa Jordan upang inyong pasukin na ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, at inyong aariin, at tatahan kayo roon.