Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 8

Exodo Rango:

89
Mga Konsepto ng TaludtodKailan?

At sinabi ni Moises kay Faraon, Magkaroon ka ng kaluwalhatiang ito sa akin: anong oras isasamo kita, at ang iyong mga lingkod, at ang iyong bayan, upang ang mga palaka ay malipol sa iyo at sa iyong mga bahay, at mangatira na lamang sa ilog?

116
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PanginoonDiyos, Pagkanatatangi ngMonoteismoNatatangiGagawin ng Diyos sa KinabukasanWalang Sinuman na Gaya ng DiyosPagkakaalam sa Katangian ng DiyosKinabukasan

At kaniyang sinabi, Sa kinabukasan. At sinabi ni Moises, Mangyayari ayon sa iyong salita: upang iyong maalaman na walang gaya ng Panginoon naming Dios.

146
Mga Konsepto ng TaludtodUmalisKabahayan, Nilulusob na mga

At ang mga palaka ay magsisialis sa iyo, at sa iyong bahay, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan; mangatitira na lamang sa ilog.

160
Mga Konsepto ng TaludtodNananalangin para sa Makasalanan

At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ni Faraon: at si Moises ay dumaing sa Panginoon tungkol sa mga palaka na kaniyang dinala kay Faraon.

199
Mga Konsepto ng TaludtodHimala ni Moises at Aaron, MgaKamatayan ng lahat ng NilalangKabahayan, Nilulusob na mgaPagsasalita na Galing sa Diyos

At ginawa ng Panginoon ayon sa salita ni Moises, at ang mga palaka ay namatay sa mga bahay, sa mga looban at sa mga parang.

214
Mga Konsepto ng TaludtodAbo, Literal na Gamit ngInsektoLangasBagay na Nagbago, Mga

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron: Iunat mo ang iyong tungkod, at paluin mo ang alabok ng lupa, upang maging mga kuto sa lupaing Egipto.

231
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan ng KaloobanPusong Makasalanan at TinubosKorap na mga BudhiMatigas ang UloPagtigilMatitigas na Ulo, MgaBagay na Humihinto, Mga

Nguni't nang makita ni Faraon na may pahinga ay pinapagmatigas ang kaniyang puso, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.

233
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng mga Nilalang

At kanilang pinagpisan sa buntonbunton: at ang lupa ay bumaho.

264
Mga Konsepto ng TaludtodPangangaral, Nilalaman ngLingkod, Panambahan sa Diyos at PagigingNananambahan sa Diyos

At sinalita ng Panginoon kay Moises, Pasukin mo si Faraon at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Tulutan mong yumaon ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila.

279
Mga Konsepto ng TaludtodPangkukulam at MahikaLangasAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NaapektuhanHindi Magawa ang Iba Pang BagaySalamangka

At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, upang maglabas ng mga kuto, nguni't hindi nila nagawa: at nagkakuto sa tao at sa hayop.

282
Mga Konsepto ng TaludtodPagharapUmagaBumangon, MaagangYaong mga Bumangon ng UmagaNananambahan sa Diyos

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumangon kang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harap ni Faraon; narito, siya'y pasasa tubig, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Payaunin mo ang aking bayan upang sila'y makapaglingkod sa akin.

285
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hindi MalayoIpanalangin ninyo KamiNananalangin para sa MakasalananAlayPagsusumamo

At sinabi ni Faraon, Aking payayaunin kayo upang kayo'y makapaghain sa Panginoon ninyong Dios sa ilang; huwag lamang kayong pakakalayo: tuloy idaing ninyo ako.

289
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri ng DiyosKatigasang PusoHimala, Tugon sa mgaMisyon ng IsraelKapangyarihan ng Diyos, IpinahayagMatigas ang UloMatitigas na Ulo, MgaDiyos na Sumusulat Gamit ang Kanyang DaliriSalamangka

Nang magkagayo'y sinabi ng mga mahiko kay Faraon, Ito'y daliri ng Dios: at ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.

294
Mga Konsepto ng TaludtodHimala ni Moises at Aaron, MgaIunatLangasAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NaapektuhanBagay na Nagbago, Mga

At kaniyang ginawang gayon; at iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod, at pinalo ang alabok ng lupa, at nagkakuto sa tao at sa hayop; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egipto.

303
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamLangasDiyos na Nagbibigay PagkakaibaAko ang Panginoon

At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa.

307

At kung ayaw mo silang payaunin, ay narito, aking sasalutin ng mga palaka ang inyong buong lupain:

315
Mga Konsepto ng TaludtodInsektoLangasKabahayan, Nilulusob na mgaKulisap

At ginawang gayon ng Panginoon, at nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ni Faraon, at sa bahay ng kaniyang mga lingkod: at sa buong lupain ng Egipto ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw.

319
Mga Konsepto ng TaludtodMakabayanPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoGagawin ng Diyos sa KinabukasanKinabukasanHati-hati

At aking paghihiwalayin ang aking bayan at ang iyong bayan: sa kinabukasan mangyayari ang tandang ito.

334
Mga Konsepto ng TaludtodLangasKulisap

Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na langaw sa iyo, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa loob ng iyong mga bahay: at ang mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw, at gayon din ang lupa na kinaroroonan nila.

343
Mga Konsepto ng TaludtodHari na Ipinatawag, Mga

At tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron, at sinabi, Yumaon kayo, maghain kayo sa inyong Dios sa lupain.

356
Mga Konsepto ng TaludtodHari na Ipinatawag, MgaIpanalangin ninyo KamiNananalangin para sa MakasalananKumuha ng mga Hayop

Nang magkagayo'y tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron, at sinabi, Manalangin kayo sa Panginoon, na alisin ang mga palaka sa akin, at sa aking bayan; at aking tutulutang yumaon, ang bayan upang sila'y makapaghain sa Panginoon.

358
Mga Konsepto ng TaludtodSilid-Tulugan, MgaPagluluto sa HurnoPalasyo, MgaSilid-TuluganMaraming mga NilalangKabahayan, Nilulusob na mgaPalayok sa Pagluluto at Hapag KainanPribadong mga Silid

At ang ilog ay mapupuno ng mga palaka, na magsisiahon at magsisipasok sa iyong bahay, at sa iyong tulugan, at sa iyong higaan, at sa bahay ng iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa iyong mga hurno, at sa iyong mga masa ng tinapay.

370
Mga Konsepto ng TaludtodTinutularan ang IbaHimala, Katangian ng mgaLihimBulaang Himala, Halimbawa ngKasinungalingan, KamanghamanghangSalamangkeroNigromansiyaHimalang Huwad, MgaSalamangka

At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon din sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Egipto.

371
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong ArawPartikular na Paglalakbay, MgaPagdiriwang sa Ilang

Kami ay yayaong tatlong araw na maglalakbay sa ilang, at maghahain sa Panginoon naming Dios, ayon sa kaniyang iniutos sa amin.

374
Mga Konsepto ng TaludtodHalimbawa ng PandarayaGagawin ng Diyos sa KinabukasanYaong mga Nalinlang

At sinabi ni Moises, Narito iiwan kita, at aking idadalangin sa Panginoon, na ang mga pulupulutong na langaw ay magsialis bukas kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan: nguni't huwag nang magdaya pa si Faraon, na huwag na di payaunin ang bayan, upang maghain sa Panginoon.

377
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamKasuklamsuklam, Mga Gawain naTakot na BatuhinPagkamuhi sa mga TaoPusa

At sinabi ni Moises, Hindi marapat na aming gawing ganyan; sapagka't aming ihahain ang mga kasuklamsuklam ng mga Egipcio, sa Panginoon naming Dios: narito, ihahain ba namin ang kasuklamsuklam ng mga Egipcio sa harap ng kanilang mga mata at di ba nila kami babatuhin?

384
Mga Konsepto ng TaludtodNilulukuban ang MundoGalit ng Diyos, Mga Halimbawa ngHimala ni Moises at Aaron, MgaIunat

At iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa tubig sa Egipto; at ang mga palaka ay nagsiahon, at tinakpan ang lupain ng Egipto.

385
Mga Konsepto ng TaludtodIunat

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, Iunat mo ang iyong kamay pati ng iyong tungkod sa mga ilog, sa mga bangbang, at sa mga lawa, at magpaahon ka ng mga palaka sa lupain ng Egipto.

395
Mga Konsepto ng TaludtodHimala ni Moises at Aaron, MgaLangasNalalabiKumuha ng mga HayopDiyos, Panalanging Sinagot ngKulisap

At ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises; at inialis niya ang mga pulupulutong na langaw kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan; na walang natira kahit isa.

405

At kapuwa aakyatin ng mga palaka ikaw at ang iyong bayan, at lahat ng iyong mga lingkod.

439
Mga Konsepto ng TaludtodNananalangin para sa Makasalanan

At iniwan ni Moises si Faraon, at nanalangin sa Panginoon.

774
Mga Konsepto ng TaludtodMatitigas na Ulo, Mga

At pinapagmatigas ding muli ni Faraon ang kaniyang puso at hindi pinayaon ang bayan.