Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 39

Ezekiel Rango:

408

At ikaw, anak ng tao, manghula ka laban kay Gog, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:

459
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Sigasig ngKabanalan, Layunin ngMisyon ng IsraelKalapastangananPagpapakabanal, Katangian at BatayanPagpapahayag sa Pangalan ng DiyosMga Bagay ng Diyos, Nahahayag na

At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan: at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, ang banal sa Israel.

464
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kahabagan ngBiyaya sa Lumang TipanSigasigSa Kapakanan ng Kanyang PangalanDiyos, Magpapakita ng Awa ang

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ngayo'y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag, at maaawa ako sa buong sangbahayan ni Israel; at ako'y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan.

471
Mga Konsepto ng TaludtodSanggalangSibatPitong Taon

At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas, at sisilaban ng mga apoy ang mga almas, at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki, ang mga busog at ang mga pana, at ang mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong taon;

476
Mga Konsepto ng TaludtodNilalang na Umiinom ng DugoKinakain ang mga BangkayMaiilap na mga Hayop na SumisilaIbon, Mga Kumakaing

At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Salitain mo sa sarisaring ibon, at sa lahat na hayop sa parang, Magpupulong kayo, at kayo'y magsiparito; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo, sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel, upang kayo'y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo.

482
Mga Konsepto ng TaludtodPulo, MgaPagkakakilala sa DiyosApoy na Nagmumula sa Diyos

At ako'y magpapasapit ng apoy sa Magog, at sa kanilang nagsisitahang tiwasay sa mga pulo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

505
Mga Konsepto ng TaludtodLibingan

At mangyayari sa araw na yaon, na ako'y magbibigay kay Gog ng dakong pinakalibangan sa Israel, ang libis nila na nagsisidaang patungo sa silanganan ng dagat: at paglilikatan nilang daanan; at doon nila ililibing si Gog at ang buo niyang karamihan; at kanilang tatawagin ito: Ang libis ng Hamon-gog.

550
Mga Konsepto ng TaludtodMukha ng DiyosMapagbigay, Diyos naIbinubuhosIsyu sa mga KarismatikoKaloob ng Espiritu SantoAng Espiritu ng DiyosPangako ng Banal na Espiritu, MgaAng Banal na Espiritu, Nagbibigay BuhayDiyos na Nagtatago

Ni hindi ko na naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila; sapagka't binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

579
Mga Konsepto ng TaludtodMula sa HilagaDahilan upang Mahikayat ang BayanAng mga Kabundukan ng Israel

At aking ipipihit ka sa palibot, at ihahatid kita, at pasasampahin kita mula sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan; at aking dadalhin ka sa mga bundok ng Israel;

586
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pahayag ngHindi Tapat sa DiyosPagpapatapon sa Israel tungo sa AsiryaDiyos na NagtatagoPagkakaalam sa Totoo

At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila: sa gayo'y ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.

601
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasKaluwalhatian, Pahayag ngKamay ng DiyosKamay ng Diyos na Laban

At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat, at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila.

753
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Kumakain ng Tao ng mgaPosibilidad ng KamatayanIbon, Mga KumakaingAng mga Kabundukan ng Israel

Ikaw ay mabubuwal sa mga bundok ng Israel, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang mga bayan na kasama mo: aking ibibigay ka sa mga mangdadagit na ibong sarisari, at sa mga hayop sa parang upang lamunin ka.

822
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Kumakain ng Tao ng mgaNilalang na Umiinom ng Dugo

Kayo'y magsisikain ng laman ng makapangyarihan, at magsisiinom ng dugo ng mga prinsipe sa lupa, ng mga lalaking tupa, ng mga batang tupa, at ng mga kambing, ng mga toro, na pawang patabain sa Basan.

823
Mga Konsepto ng TaludtodLimang Buwan at Higit PaBuwan, Mga

At pitong buwan na mangaglilibing ang sangbahayan ni Israel, upang kanilang linisin ang lupain.

888

At Hamonah ang magiging pangalan ng bayan. Ganito nila lilinisin ang lupain.

942
Mga Konsepto ng TaludtodIbang mga Panahon

Narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios; ito ang araw na aking sinalita.

951
Mga Konsepto ng TaludtodSundalo, Mga

At kayo'y mangabubusog sa aking dulang ng mga kabayo at mga karo, ng mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na lalaking mangdidigma, sabi ng Panginoong Dios.

952

Sa gayo'y malalaman ng sangbahayan ni Israel na ako ang Panginoon na kanilang Dios, mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin.

953
Mga Konsepto ng TaludtodButo, Mga

At silang nangagdaraan sa lupain ay mangagdaraan; at pagka ang sinoman ay nakakita ng buto ng tao, lalagyan nga niya ng tanda, hanggang sa mailibing ng mga manglilibing sa libis ng Hamon-gog.

959
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa mga IsraelitaDiyos na Hindi NagpapabayaMga Taong IpinataponPangitain ni EzekielMuling Pagsilang ng IsraelLupain na Ganap Ibinalik sa Israel

At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios, sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa, at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon;

974
Mga Konsepto ng TaludtodKagubatanPagsasaalis ng SandataPandarambongPanggatongSandata para Panggatong

Na anopa't sila'y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat; sapagka't kanilang sisilaban ang mga almas; at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila, sabi ng Panginoong Dios.

975
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa mga Israelita

Pagka sila'y aking nadala uli na mula sa mga bayan, at nangapisan na mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway, at ako'y inaaring banal sa kanila sa paningin ng maraming bansa.

1114
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Kakayahan ni SatanasMasama para sa Kanang KamayPana, Mga

At aking sisirain ang iyong busog sa iyong kaliwa, at aking ihuhulog ang iyong pana sa iyong kanan.

1134
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutan ang mga BagayPagsasaalis ng KahihiyanHindi Tapat

At sila'y mangagtataglay ng kanilang kahihiyan, at ng kanilang lahat na pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa akin, pagka sila'y magsisitahang tiwasay sa kanilang lupain, at walang tatakot sa kanila;

1140
Mga Konsepto ng TaludtodKasalananDiyos na NagtatagoAyon sa Bagay-Bagay

Ayon sa kanilang karumihan at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila.

1180
Mga Konsepto ng TaludtodLimang Buwan at Higit PaPaghahanap sa mga Nahahawakang BagayPaglalakbay

At sila'y mangaghahalal ng mga lalaking magkakatungkulang palagi, na mangagdaraan sa lupain at, kasama nilang nangagdaraan, silang nangaglilibing ng nalabi sa ibabaw ng lupain, upang linisin: pagkatapos ng pitong buwan ay mangagsisihanap sila.

1181
Mga Konsepto ng TaludtodPosibilidad ng Kamatayan

Ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang: sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios.

1191
Mga Konsepto ng TaludtodKatabaanNilalang na Umiinom ng DugoTaba ng mga HayopKumakain ng Bawal na Pagkain

At kayo'y magsisikain ng taba hanggang sa kayo'y mangabusog, at magsisiinom ng dugo hanggang sa kayo'y mangalango, sa aking hain na aking inihain sa inyo.

1210
Mga Konsepto ng TaludtodPinagmumulan ng Dangal

Oo, sila'y mangaglilibing ng buong bayan ng lupain; at magiging sa kanila'y kabantugan, sa araw na ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoong Dios.