Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 30

Jeremias Rango:

454

Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

499
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya, Paraan sa Lumang TipanPagpapanumbalik sa mga BansaDiyos na Nagbigay ng Lupain

Sapagka't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon na aking ibabalik na mula sa pagkabihag ang aking bayang Israel at Juda, sabi ng Panginoon, at aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, at kanilang aariin.

513
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagpangalat sa IsraelDiyos sa piling ng mga TaoSinasaway ang mga TaoAmerika

Sapagka't ako'y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagka't gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo; kundi sasawayin kita ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa.

536
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya, Paraan sa Lumang TipanPagsusulatMga Aklat ng PropesiyaKinasihanLumang Tipan, Pahayag ng Inspirasyon saPagsasatala

Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.

537
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PANGINOONHuling mga ArawPastol, Bilang Hari at mga PinunoPangalan at Titulo para kay CristoLingkod, PunongBayani, Mga

Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.

561
Mga Konsepto ng TaludtodPanghihina ng LoobKapayapaan, Pangwawasak ng Tao saLingkod ng PanginoonTulong ng Diyos kapag Pinanghihinaan ng LoobPangako ng PagbabalikMabuting mga Bagay mula sa Malayo

Kaya't huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.

628
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kahabagan ngJacob bilang PatriarkaArkeolohiyaMuling Pagtatatag ng JerusalemPangitain ni EzekielMuling Pagsilang ng IsraelLupain na Ganap Ibinalik sa IsraelMuling Pagtatatag

Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon.

715
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaPamatokDiyos na Nagpapalaya sa mga BilanggoPatulin ang Kadena

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa:

741
Mga Konsepto ng TaludtodHirap ng PanganganakPanganganak, HindiPagkakaroon ng SanggolSanggol

Kayo'y magtanong ngayon, at inyong tingnan kung ang lalake ay nagdaramdam ng panganganak: bakit aking nakikita ang lahat na lalake na ang mga kamay ay nangasa kaniyang mga balakang na parang babae sa pagdaramdam, at ang lahat na mukha ay naging maputla?

749
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NagulatWalang KapayapaanTerorismoKabuoan

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon; Kami ay nangakarinig ng tinig ng panginginig, ng takot, at hindi ng kapayapaan.

753

At ang mga ito ang mga salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Israel at tungkol sa Juda.

758
Mga Konsepto ng TaludtodTagapamahala, MgaPagiging MalakasKatapanganPanganib

At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

766
Mga Konsepto ng TaludtodBagyo, MgaIpoipoBagyo, MgaDiyos na Kontrolado ang Bagyo

Narito, ang unos ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay bumulalas na parang buhawi: hahampas sa ulo ng masama.

827
Mga Konsepto ng TaludtodPandarambong

Kaya't silang lahat na nagsisilamon sa iyo ay mangalalamon; at lahat ng iyong kaaway, bawa't isa sa kanila'y magsisipasok sa pagkabihag; at silang nagsisisamsam sa iyo ay magiging samsam, at lahat ng nagsisihuli sa iyo ay aking ibibigay na huli.

828
Mga Konsepto ng TaludtodParamihinPasasalamatNaipanumbalik na KagalakanDiyos na Nagpaparami sa mga TaoPinagmumulan ng DangalPagiging Mapagpasalamat sa PagpapalaPagdiriwangPasalamatNagdiriwang

At mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: at aking pararamihin sila, at sila'y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila'y hindi magiging maliit.

982
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Ugali ng Diyos labanPamamaloHindi Humahanap sa mga TaoKinalimutan ang mga TaoSugatKaibigan, Hindi Maasahang mgaDiyos bilang KaawayLahat ay Nagkasala

Nilimot ka ng lahat na mangingibig sa iyo; hindi ka nila hinahanap: sapagka't sinugatan kita ng sugat ng kaaway, ng parusa ng mabagsik; dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami.

1056
Mga Konsepto ng TaludtodKahirapan ng mga MasamaWalang KagalinganLahat ay NagkasalaKasalanan ay Nagdudulot ng Pighati

Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit? ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo.

1078
Mga Konsepto ng TaludtodPuso ng DiyosKaunawaanGalit ng Diyos, Kalikasan ngPahayag sa HinaharapWastong PagkakaunawaDiyos na Nagagalit

Ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi mapaparam hanggang sa maisagawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso; sa mga huling araw ay iyong mauunawa.

1098
Mga Konsepto ng TaludtodAko ay Kanilang Magiging Diyos

At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.

1149
Mga Konsepto ng TaludtodWalang KagalinganKinakasuhan ang DiyosPagbutiKalusugan at KagalinganPagasa at Kagalingan

Walang makipaglaban ng iyong usapin upang ikaw ay mapagaling: ikaw ay walang mga panggamot na nakagagaling.

1208
Mga Konsepto ng TaludtodKasaysayan ng mga BansaMga Pinagpalang BataPaniniil

Ang kanilang mga anak naman ay magiging gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.