Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Juan 5

Juan Rango:

34
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang KaibiganPagiisaKahinaan, Pisikal naHindi MatutulunganMga Taong NauunaSinawsawBagay na Nayayanig, MgaWalang Tulong

Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit, Ginoo, wala ng taong maglusong sa akin sa tangke, pagkalawkaw sa tubig: datapuwa't samantalang ako'y naparoroon, ay nakalusong na muna ang iba bago ako.

49
Mga Konsepto ng TaludtodKamanghamanghaAng Darating na KapanahunanKamatayan, Dumarating naSurpresa

Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,

54
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakbay, Banal naDumadalawPagdiriwang na TinatangkilikPagkakakilanlan kay CristoJerusalem

Pagkatapos ng mga bagay na ito'y nagkaroon ng pista ang mga Judio; at umahon si Jesus sa Jerusalem.

67
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, Saligan ngPagpapasakopJesu-Cristo, Kaugnayan sa AmaJesu-Cristo, Anak ng DiyosCristo, Relasyon Niya sa DiyosCristo, Pagsasabi Niya ng KatotohananKatotohanang KatotohananUgnayan ng Ama at AnakNapasailalim sa DiyosAng Gawain ng Ama tungkol kay Cristo

Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.

71
Mga Konsepto ng TaludtodPinahihirapang mga BanalPagliligtas, Tugon saKasalanan, Paghingi ng Tawad saBabalaPaghahanap sa mga TaoCristo sa TemploKalusugang NakamitMasahol

Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.

81
Mga Konsepto ng TaludtodKaramihan ng TaoKaramihan na Paligid ni JesusWalang Alam Tungkol kay CristoKagalingan sa Karamdaman

Nguni't hindi nakikilala ng pinagaling kung sino siya; sapagka't si Jesus ay humiwalay, palibhasa'y may isang karamihan sa dakong yaon.

84
Mga Konsepto ng TaludtodAng Gumaling ay NaglalakadJesus, Pagpapagaling niPasanin ang Bigatin ng Iba

Nguni't sila'y sinagot niya, Ang nagpagaling sa akin, ang siya ring sa akin ay nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.

98
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging UnaKaramdaman

Sapagka't lumulusong ang isang anghel ng Panginoon sa mga tanging panahon sa tangke at kinakalawkaw ang tubig: at ang unang manaog sa tangke, pagkatapos na makalawkaw ang tubig ay gumagaling sa anomang sakit na dinaramdam.

124
Mga Konsepto ng TaludtodKaramdaman, MgaIlagay sa Isang LugarYaong Nagmamahal sa DiyosPaglipat sa Bagong LugarGalaw at Kilos

Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit, mga bulag, mga pilay, mga natutuyo.

125
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ni Jesu-CristoPatas sa Harap ng DiyosPag-uusig, Katangian ngCristo, Mamamatay angRelasyon ng Ama at AnakAng Sabbath at si CristoNamamahinga

Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, na siya'y nakikipantay sa Dios.

135
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagibig ngPakikipagniigMoises, Kahalagahan niPagibig para kay CristoPagkamangha kay Jesu-CristoUgnayan ng Ama at AnakPagibig sa Pagitan Ama at AnakMga Bagay ng Diyos, Nahahayag naAng Gawain ng Ama tungkol kay Cristo

Sapagka't sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas.

147
Mga Konsepto ng TaludtodAng Gumaling ay NaglalakadSino ang Gumagawa?Pasanin ang Bigatin ng Iba

Tinanong nila siya, Sino ang taong sa iyo'y nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?

167
Mga Konsepto ng TaludtodPag-uusig, Katangian ngNagplaplano ng MasamaPag-uusig kay CristoAng Sabbath at si CristoBakit Ginawa ng mga Tao ang Gayong Bagay

At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath.

196
Mga Konsepto ng TaludtodKapansananKalusuganCristo, Pagkakita niCristo na Nakakaalam sa mga TaoGumagawa ng Mahabang PanahonPaanong Dumating ang KagalinganPananampalataya at Kagalingan

Nang makita ni Jesus na siya'y nakahandusay, at mapagkilalang siya'y malaon nang panahong maysakit, ay sinabi niya sa kaniya, Ibig mo bagang gumaling?

200
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanWika, MgaBalkonaheLimang BagayBulwagan, MgaPinangalanang mga TarangkahanKrusada

Sa Jerusalem nga'y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda, na may limang portiko.

255
Mga Konsepto ng TaludtodAng Sabbath at si CristoPamamahinga

Kaya sinabi ng mga Judio sa kaniya na pinagaling, Ito'y araw ng sabbath, at hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan.

303
Mga Konsepto ng TaludtodDangalJesu-Cristo, PagkaDiyos niAma at ang Kanyang Anak na LalakeUgnayan ng Ama at AnakAng Nagsugo kay CristoKarangalan

Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.

330
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi kay CristoPagpapatuloy sa Ibang TaoHindi Pinatutuloy si CristoAma at ang Kanyang Anak na LalakeRelasyon ng Ama at AnakSa Ngalan ng DiyosTatayPagtanggapPagtanggiAma, Pagibig ng

Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin.

333
Mga Konsepto ng TaludtodPaglapit kay CristoBuhay sa Pamamagitan ni CristoMga Taong Hindi Nagkukusa

At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.

335
Mga Konsepto ng TaludtodAng Gumaling ay NaglalakadBumangon Ka!Pasanin ang Bigatin ng Iba

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.

339
Mga Konsepto ng TaludtodMoises, Kahalagahan niPananampalataya, Layon ngKaayusan sa KaligtasanMananampalatayang PropetaCristo at ang KasulatanAng Kautusan ni Moises

Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat.

342
Mga Konsepto ng TaludtodAng Gumaling ay NaglalakadAng Sabbath at si CristoPagkakakilanlan kay Cristo

At pagdaka'y gumaling ang lalake, at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. Noon nga'y araw ng sabbath.

355
Mga Konsepto ng TaludtodKadiyosan ni CristoDiyos na Hindi NakikitaHindi Nakikita ang DiyosDiyos na Sumasaksi kay CristoDiyos, Tinig ngUgnayan ng Ama at AnakAng Nagsugo kay CristoHindi PinapakingganAma, Pagiging

At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo.

362
Mga Konsepto ng TaludtodSino ang Gumagawa?Nagsasabi tungkol kay Jesus

Umalis ang tao, at sinaysay sa mga Judio na si Jesus ang sa kaniya'y nagpagaling.

554
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggapPagiging Ikaw sa iyong SariliPatotooPagpapatotooPagiging TotooAko

Kung ako'y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan.

589
Mga Konsepto ng TaludtodPansin, Naghahanap ngHindi Pananalig, Nagmula saDiyos LamangHindi Humahanap sa DiyosHindi Nananampalataya kay JesusWalang Iba na DiyosPaghahanap sa KarangalanNaniniwala sa iyong SariliHindi Talagang NagiisaPagpapahalaga sa Pastor

Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?

602
Mga Konsepto ng TaludtodAng Kaganapan ng PagtubosPagkayariSaksi para kay Jesu-Cristo, MgaPagsasagawa ng Gawain ng DiyosDiyos na Nagbibigay sa AnakUgnayan ng Ama at Anak

Datapuwa't ang aking pagpapatotoo ay lalong dakila kay sa kay Juan; sapagka't ang mga gawang ibinigay sa akin ng aking Ama upang ganapin, ang gayon ding mga gawa na aking ginagawa, ay nagpapatotoo tungkol sa akin, na ako'y sinugo ng Ama.

635
Mga Konsepto ng TaludtodKaningninganNagniningning na BuhayLiwanag sa Bayan ng DiyosPanahon, Nagbabagong

Siya ang ilawang nagniningas at lumiliwanag; at inibig ninyong kayo'y mangagkatuwang sumandali sa kaniyang liwanag.

711
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang TiwalaMoises, Kahalagahan niAkusa, Pinagmumulan ngEpekto ng KautusanMga Tao na Inakusahan ang mga TaoAng AmaAkusa

Huwag ninyong isiping ako ang sa inyo'y magsusumbong sa Ama: may isang magsusumbong sa inyo, sa makatuwid baga'y si Moises, yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa.

798

Kayo'y nangagsugo kay Juan, at siya'y nagpatotoo sa katotohanan.

817
Mga Konsepto ng TaludtodKatotohananKadiyosan ni CristoAng Patotoo ng DiyosDiyos na Sumasaksi kay CristoSalita ng Diyos ay TotooPagpapatotoo

Iba ang nagpapatotoo sa akin; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo.

822
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Hangad Iligtas ang LahatPanganib mula sa TaoPatotoo

Datapuwa't ang patotoo ay hindi mula sa tao: gayon ma'y sinasabi ko ang mga bagay na ito, upang kayo'y mangaligtas.

855
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nananampalataya kay Jesus

Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?