44 Talata sa Bibliya tungkol sa Ipinagbabawal na Pagkain

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Levitico 7:23

Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Huwag kayong kakain ng taba ng baka, ng tupa, o ng kambing.

Levitico 7:24

At ang taba ng namatay sa kaniyang sarili, at ang taba ng nilapa ng ganid, ay magagamit sa alin mang kagamitan: nguni't sa anomang paraan ay huwag ninyong kakanin.

Levitico 7:25

Sapagka't sinomang kumain ng taba ng hayop na yaon na inihahandog ng mga tao sa Panginoon, na handog na pinaraan sa apoy, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong kumain.

Levitico 7:26

At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong tahanan, maging sa ibon o sa hayop.

Levitico 7:27

Sinomang taong kumain ng alin mang dugo, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon.

Levitico 17:12

Kaya't aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo.

Deuteronomio 12:16

Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig.

Deuteronomio 12:23

Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.

Deuteronomio 12:25

Huwag mong kakanin yaon; upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.

Deuteronomio 15:23

Huwag mo lamang kakanin ang dugo niyaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig.

Levitico 17:10

At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan.

Levitico 17:14

Sapagka't tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagka't ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.

Levitico 3:17

Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man.

Levitico 19:7

At kung kanin sa anomang paraan sa ikatlong araw, ay karumaldumal nga; ito'y hindi tatanggapin:

Exodo 21:28

At kung ang isang baka ay manuwag ng isang lalake o ng isang babae, na ano pa't mamatay, ay babatuhing walang pagsala ang baka at ang kaniyang lama'y hindi kakanin; datapuwa't ang may-ari ng baka ay maliligtas.

Exodo 22:31

At kayo'y magpapakabanal na tao sa akin: na ano pa't huwag kayong kakain ng anomang laman, na nalapa ng ganid sa parang; inyong ihahagis sa mga asno.

Levitico 17:15

At yaong lahat na kumain ng namamatay sa sarili o nilapa ng mga ganid, maging sa mga tubo sa lupain o sa mga taga ibang bayan, ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: kung magkagayon ay magiging malinis.

Deuteronomio 14:21

Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.

Ezekiel 4:14

Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan, sapagka't mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako kumain ng namamatay sa sarili, o nilapa ng mga hayop; o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig.

Ezekiel 44:31

Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anomang bagay na namamatay sa kaniyang sarili, o nalapa, maging ibon o hayop man.

Levitico 11:40

At ang kumain ng bangkay niyaon ay maglalaba ng kaniyang suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: gayon din ang bumuhat ng bangkay niyaon, ay maglalaba ng kaniyang suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

Levitico 11:8

Huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga yaon ay huwag ninyong hihipuin; mga karumaldumal nga sa inyo.

Levitico 11:11

At magiging karumaldumal sa inyo; huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga iyan ay aariin ninyong karumaldumal.

Levitico 11:13

At sa mga ibon ay aariin ninyong karumaldumal ang mga ito; hindi kakanin, mga karumaldumal nga; ang agila, ang agilang dumudurog ng mga buto, at ang agilang dagat:

Levitico 11:41

At bawa't umuusad na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, ay karumaldumal; hindi kakanin.

Levitico 11:42

Lahat ng lumalakad ng kaniyang tiyan, at lahat ng lumalakad ng apat na paa o mayroong maraming paa, sa lahat ng bagay na umuusad sa ibabaw ng lupa, ay huwag ninyong kakanin; sapagka't mga karumaldumal nga.

Levitico 7:19

At ang lamang masagi sa anomang bagay na karumaldumal ay hindi kakanin; yao'y susunugin sa apoy. At tungkol sa lamang hindi nahawa, lahat ng taong malinis ay makakakain niyaon.

Isaias 65:4

Na nauupo sa gitna ng mga libingan, at tumitigil sa mga lihim na dako; na kumakain ng laman ng baboy, at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan;

Isaias 66:17

Silang nangagpapakabanal, at nangagpapakalinis na nagsisiparoon sa mga halamanan, sa likuran ng isa sa gitna, na nagsisikain ng laman ng baboy, at ng kasuklamsuklam, at ng daga; sila'y darating sa isang wakas na magkakasama, sabi ng Panginoon.

Mga Gawa 10:12

Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.

Mga Gawa 11:6

At nang yao'y aking titigan, ay pinagwari ko, at aking nakita ang mga hayop na may apat na paa sa lupa at mga hayop na ganid at ang mga nagsisigapang at mga ibon sa langit.

Daniel 1:5

At ipinagtakda ng hari sila ng bahagi sa araw sa pagkain ng hari, at sa alak na kaniyang iniinom, at sila'y kakandilihin na tatlong taon; upang sa wakas niyao'y mangakatayo sila sa harap ng hari.

Daniel 1:8

Nguni't pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya'y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari, o sa alak man na kaniyang iniinom: kaya't kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya'y huwag mapahamak.

Daniel 1:12-16

Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom. Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod. Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na ito, at sinubok niya sila na sangpung araw.magbasa pa.
At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari. Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay.

Awit 141:4

Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay, na gumawa sa mga gawa ng kasamaan na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan: at huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.

Mga Gawa 10:14

Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.

Mga Gawa 11:8

Datapuwa't sinabi ko, Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailan man ay walang anomang pumasok sa aking bibig na marumi o karumaldumal.

Genesis 32:32

Kaya't hindi kumakain ang mga anak ni Israel ng litid ng balakang na nasa kasukasuan ng hita, hanggang ngayon: sapagka't hinipo ng taong yaon ang kasukasuan ng hita ni Jacob, sa litid ng pigi.

1 Samuel 14:32

At ang bayan ay dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, at mga baka, at mga guyang baka, at mga pinatay sa lupa: at kinain ng bayan pati ng dugo.

1 Samuel 14:33

Nang magkagayo'y kanilang isinaysay kay Saul, na sinasabi, Narito, ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo. At kaniyang sinabi, Kayo'y gumawang may paglililo: inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito.

1 Samuel 14:34

At sinabi ni Saul, Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila, Dalhin sa akin dito ng bawa't tao ang kaniyang baka, at ng bawa't tao ang kaniyang tupa, at patayin dito, at kanin; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pagkain ng dugo. At dinala ng buong bayan, bawa't tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a