50 Talata sa Bibliya tungkol sa Nananatiling Malakas at Hindi Sumusuko

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Daniel 10:19

At kaniyang sinabi, Oh taong minamahal na mainam, huwag kang matakot: kapayapaan ang sumaiyo, magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka. At nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas, at nagsabi, Magsalita ang aking panginoon; sapagka't iyong pinalakas ako.

Isaias 57:10

Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay.

Mikas 6:14

Ikaw ay kakain, nguni't hindi ka mabubusog; at ang iyong pagpapakumbaba ay sasa gitna mo: at ikaw ay magtatabi, nguni't wala kang dadalhing maitatabi; at ang iyong ilalabas ay aking iiwan sa tabak.

Mga Hebreo 5:12

Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas.

Job 11:20

Nguni't ang mga mata ng masama ay mangangalumata, at mawawalan sila ng daang tatakasan, at ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.

1 Corinto 9:21

Sa mga walang kautusan, ay tulad sa walang kautusan, bagama't hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan.

1 Paralipomeno 28:20

At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang, at gawin mo: huwag kang matakot, o manglupaypay man; sapagka't ang Panginoong Dios, na aking Dios, ay sumasaiyo; hindi ka niya iiwan, o pababayaan man, hanggang sa ang lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay matapos.

Mangangaral 10:4

Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, huwag kang umalis: sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.

Jeremias 42:10

Kung kayo'y magsisitahan pa sa lupaing ito, akin ngang itatayo kayo, at hindi ko kayo itutulak, at itatatag kayo, at hindi ko kayo paaalisin; sapagka't aking pinagsisihan ang kasamaang nagawa ko sa inyo.

Josue 10:8

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.

Lucas 11:21

Pagka ang lalaking malakas na nasasandatahang lubos ay nagbabantay sa kaniyang sariling looban, ang kaniyang mga pag-aari ay wala sa panganib.

Mga Taga-Galacia 2:20
Mga Konsepto ng TaludtodAting Pagkapako sa KrusBuhay sa Materyal na MundoBuhay ay na kay CristoAng Isinukong BuhayKaraniwang BuhayCristo, Pagibig niMuling PagsilangPagpako sa KrusNamumuhay para sa DiyosHindi SumusukoPananampalataya sa DiyosPagibigMasaganang BuhayWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngPagkamatay kasama ni CristoJesus, Kusang Loob na Pagbibigay ng Kanyang BuhaySarili, Paglimot saPagpako kay Jesu-CristoPakikibahagi sa Kamatayan at Pagkabuhay ni CristoPagtanggap kay CristoDiyos, Ipinaubaya ngPakikipagisa kay Cristo, Kahalagahan ngPakikibahagi kay CristoWalang Hanggang Buhay, Karanasan saPatay sa KasalananCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaKasalanan, Pagiwas saDiyos, Pagkakaisa ngPananatili kay CristoPakinabang ng Pananampalataya kay CristoPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngPablo, Katuruan niPagiging Ganap na KristyanoKatubusanHindi KamunduhanBuhay na Karapatdapat IpamuhayKasalanan, Tugo ng Diyos saBuhay PananampalatayaKinatawanHindi AkoJesu-Cristo, Pagibig niPagkabuhay na Maguli, Espirituwal naPagdidisipulo, Halaga ngPagiisaMalusog na Buhay may AsawaKapalitPagibig, Katangian ngPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanTinatahanan ni CristoPagpapakabanal, Paraan at Bunga ngSumusukoKahulugan ng PagkabuhayKamatayan sa SariliUriPagpatay ng Sariling LayawTiwala at Tingin sa Sarili

Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a