Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 16

Mga Bilang Rango:

15
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Daan at Ilan Pa

At kumuha ang bawa't isa ng kaniyang suuban, at lagyan ninyo ng kamangyan, at dalhin ninyo sa harap ng Panginoon, na bawa't isa'y magdala ng kaniyang suuban, na dalawang daan at limang pung suuban; ikaw naman at si Aaron, bawa't isa sa inyo'y may kaniyang suuban.

53
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa Pasukang Daanan

At kinuha ng bawa't isa ang kaniyang suuban, at kanilang nilagyan ng apoy at kanilang pinatungan ng kamangyan, at sila'y tumayo sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan na kasama ni Moises at ni Aaron.

63
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa Pasukang Daanan

At pinisan ni Core ang buong kapisanan laban sa kanila sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa buong kapisanan.

73
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakahiwalayPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoDiyos na Maaring Patayin ang Kanyang Bayan

Humiwalay kayo sa gitna ng kapisanang ito, upang aking lipulin sila sa isang sangdali.

105

At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,

230
Mga Konsepto ng TaludtodEspiritu, Bumagsak at mga Tinubos na MgaMagagalit ba ang Diyos?Ibulalas

At sila'y nagpatirapa, at nagsabi, Oh Dios, na Dios ng mga diwa ng lahat ng laman, sa pagkakasala ba ng isang tao ay magagalit ka sa buong kapisanan?

259
Mga Konsepto ng TaludtodHaligi ng UlapUlap, Presensya ng Diyos sa mgaBanal na Kapahayagan

At nangyari, nang magpipisan ang kapisanan laban kay Moises at laban kay Aaron, na sila'y tumingin sa dako ng tabernakulo ng kapisanan; at, narito, tinakpan ng ulap at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw.

345

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

412
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aalsa

Si Core nga na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi sangpu ni Dathan at ni Abiram na mga anak ni Eliab, at si Hon na anak ni Peleth, na mga anak ni Ruben, ay nagsikuha ng mga tao:

416
Mga Konsepto ng TaludtodLibinganMoises, Kahalagahan niKagantihanPaghihimagsik laban sa Diyos, Katangian ngNilunokHabang BuhayKamatayan ng mga Masama

Nguni't kung ang Panginoon ay lumikha ng isang bagong bagay, na anopa't ibuka ng lupa ang kaniyang bibig, at sila'y lamunin, sangpu ng buong nauukol sa kanila, at sila'y ibabang mga buhay sa Sheol; ay inyo ngang mapagkikilala na minungkahi ng mga taong ito ang Panginoon.

418
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakahiwalay mula sa mga Masamang Tao

Salitain mo sa kapisanan na iyong sabihin, Lumayo kayo sa palibot ng tabernakulo ni Core, ni Dathan, at ni Abiram.

420

At si Moises ay tumayo at naparoon kay Dathan at kay Abiram; at ang mga matanda sa Israel ay sumunod sa kaniya.

482
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan ng mga Masama, Halimbawa ngAng Lupa ay NahatiNilunokPagmamay-ari, Mga

At ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang lahat ng lalake na nauukol kay Core, at lahat ng kanilang pag-aari.

485
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, MgaPakikisama sa MasamaMasamang mga KasamahanPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoHindi HinihipoHindi Pakikitungo

At sinalita ni Moises sa kapisanan na sinasabi, Magsilayo kayo, isinasamo ko sa inyo, sa mga tolda ng masasamang taong ito, at huwag kayong humipo ng anomang bagay nila, baka kayo'y mamatay sa lahat nilang kasalanan.

491
Mga Konsepto ng TaludtodAng Lupa ay Nahati

At nangyari, na pagkatapos na masalita niya ang lahat ng salitang ito, na ang lupa na nasa ilalim nila ay bumuka:

510
Mga Konsepto ng TaludtodSheolHabang Buhay

Na anopa't sila at lahat ng nauukol sa kanila, ay nababang buhay sa Sheol: at sila'y pinagtikuman ng lupa, at sila'y nalipol sa gitna ng kapisanan.

522
Mga Konsepto ng TaludtodLikas na KamatayanTadhana

Kung ang mga taong ito ay mamatay sa karaniwang kamatayan ng lahat ng tao, o kung sila'y dalawin ayon sa karaniwang pagdalaw sa lahat ng tao; ay hindi nga ako sinugo ng Panginoon.

526

Gayon sila nagsilayo sa tabernakulo ni Core, ni Dathan, at ni Abiram sa lahat ng dako: at si Dathan at si Abiram ay nagsilabas, at nagsitayo sa pintuan ng kanilang mga tolda, at ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang bata.

536
Mga Konsepto ng TaludtodSugoHindi NagiisaPagkakaalam sa Totoo

At sinabi ni Moises, Dito ninyo makikilala na ako'y sinugo ng Panginoon na gawin ang lahat ng mga gawang ito; sapagka't hindi kinatha ng aking sariling pagiisip.

555
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Paratang, Halimbawa ngAaron, mga Pangyayari sa kanyang BuhayPagharapSariling Katuwiran, Katangian ngMakamundong Hangarin, Halimbawa ngInggit, Halimbawa ngNagplaplano ng MasamaDiyos ay SumasainyoBayang BanalPaghahanap sa KarangalanOrganisasyon

At sila'y nagpupulong laban kay Moises at laban kay Aaron, at sinabi nila sa kanila, Kayo'y kumukuha ng malabis sa inyo, dangang ang buong kapisanan ay banal, bawa't isa sa kanila, at ang Panginoon ay nasa gitna nila: bakit nga kayo'y magmamataas sa kapisanan ng Panginoon?

612
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang KasiyahanPagmamaktol sa mga TaoHinatulan bilang Mamamatay TaoPagrereklamo

Datapuwa't sa kinabukasan ay inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron, na sinasabi, Inyong pinatay ang bayan ng Panginoon.

651
Mga Konsepto ng TaludtodMoises, Kahalagahan niAaron, bilang Punong SaserdoteInsensaryo

At sinabi ni Moises kay Aaron, Kunin mo ang iyong suuban, at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng kamangyan, at dalhin mong madali sa kapisanan, at itubos mo sa kanila: sapagka't may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang salot ay nagpapasimula na.

659

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

661
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngUmagaGagawin ng Diyos sa KinabukasanMga Taong Nakatalaga sa Diyos

At sinalita niya kay Core at sa kaniyang buong pulutong, na sinasabi, Sa kinaumagahan ay ipakikilala ng Panginoon kung sino ang kaniya, at kung sino ang banal, at kung sino ang palalapitin niya sa kaniya: sa makatuwid baga'y ang piliin ay siyang kaniyang palalapitin sa kaniya.

665
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Kanyang Kilos sa Kinabukasan

At sinabi ni Moises kay Core, Humarap ka at ang iyong buong kapisanan sa Panginoon, ikaw, at sila, at si Aaron, bukas:

668
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang TipanDayuhanPagbubukod

Upang maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel, upang sinomang ibang tao na hindi sa mga anak ni Aaron ay huwag lumapit na magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon; upang huwag magaya kay Core at sa kaniyang mga kasama: gaya ng sinalita ng Panginoon sa kaniya sa pamamagitan ni Moises.

681
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Daan at Ilan PaRosasPaghihimagsik

At sila'y tumindig sa harap ni Moises, na kasama ng ilang mga anak ni Israel, na dalawang daan at limang pung prinsipe sa kapisanan na tinawag sa kapulungan na mga lalaking bantog:

697
Mga Konsepto ng TaludtodSumisigawNilunokIsrael, Tumatakas ang

At ang buong Israel na nasa palibot nila ay tumakas sa hiyaw nila; sapagka't kanilang sinabi, Baka pati tayo'y lamunin ng lupa.

729
Mga Konsepto ng TaludtodInsensaryo

At kinuha ni Eleazar na saserdote ang mga tansong suuban na inihandog ng mga nasunog; at kanilang pinukpok na ginawang pinaka pangtakip sa dambana:

755
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatang LoobPandarayaGalit ng TaoGalit, Halimbawa ng MakatuwirangPagkawala ng AsnoPinangalanang mga Tao na may Galit sa IbaPaggalangNasaktanNasasaktan

At si Moises ay nag-init na mainam, at sinabi sa Panginoon, Huwag mong pagpitaganan ang kanilang handog: ako'y hindi kumuha ng isang asno sa kanila ni gumawa ng masama sa kanino man sa kanila.

757

At nang marinig ni Moises, ay nagpatirapa.

765
Mga Konsepto ng TaludtodIba pang Ipinapatawag

At ipinatawag ni Moises si Dathan at si Abiram, na mga anak ni Eliab: at kanilang sinabi, Hindi kami sasampa:

766
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoHindi Mahahalagang Bagay

Minumunting bagay pa ba ninyo na kayo'y ibinukod ng Dios ng Israel sa kapisanan ng Israel, upang ilapit niya kayo sa kaniya, upang gawin ninyo ang paglilingkod sa tabernakulo ng Panginoon, at upang kayo'y tumayo sa harap ng kapisanan na mangasiwa sa kanila;

772
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote sa Lumang TipanPaghahanap sa mga Di Nahahawakang Bagay

At inilapit ka niya sangpu ng lahat ng iyong mga kapatid na mga anak ni Levi? at hangarin din naman ninyo ang pagkasaserdote?

855
Mga Konsepto ng TaludtodNahahanda Itayo ang Tansong DambanaBagay bilang mga Tanda, Mga

Pati ng mga suuban ng mga makasalanang ito laban sa kanilang sariling buhay, at gawin mo sa kanilang mga laminang pinukpok na pinaka pangtakip sa dambana: sapagka't kanilang inihandog sa harap ng Panginoon: kaya't mga banal: at magiging isang tanda sa mga anak ni Israel.

860
Mga Konsepto ng TaludtodPosibilidad ng KamatayanMasagana sa EhiptoPagharianGatas at PulotHindi Mahahalagang Bagay

Munting bagay pa ba na kami ay iyong pinasampa sa isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot, upang kami ay patayin sa ilang, kundi napapanginoon ka pa mandin sa amin?

862

At sinabi ni Moises kay Core, Dinggin ninyo ngayon, kayong mga anak ni Levi:

864
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, mga Pangyayari sa kanyang BuhayPagmamaktol sa mga TaoIba pang Hindi Mahahalagang TaoPagrereklamo

Kaya't ikaw at ang iyong buong pulutong ay napipisan laban sa Panginoon: at si Aaron, ano nga't siya'y inyong inupasala?

868
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoDiyos na Maaring Patayin ang Kanyang Bayan

Lumayo kayo sa gitna ng kapisanang ito, upang aking lipulin sila sa isang sangdali. At sila'y nagpatirapa.

885
Mga Konsepto ng TaludtodInsensaryo

Ito'y inyong gawin; kumuha kayo ng mga suuban, si Core at ang kaniyang buong pulutong;

908
Mga Konsepto ng TaludtodTagapamagitanPagtigilHindi NamamatayKamatayang NaiwasanBagay na Humihinto, Mga

At siya'y tumayo sa gitna ng mga patay at ng mga buhay; at ang salot ay tumigil.

919
Mga Konsepto ng TaludtodMata, Nasaktang mgaPambubulagGatas at PulotIba, Pagkabulag ng

Bukod dito'y hindi mo kami dinala sa isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot, ni binigyan mo kami ng manang bukid at mga ubasan: dudukitin mo ba ang mga mata ng mga taong ito? hindi kami sasampa.

932
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalan, Paglago ng Mananampalataya sa

At lagyan ninyo ng apoy at patungan ninyo ng kamangyan bukas sa harap ng Panginoon: at mangyayari na ang tao na piliin ng Panginoon, ay siyang banal: kayo'y kumukuha ng malabis sa inyo, kayong mga anak ni Levi.

952

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

978

At si Moises at si Aaron ay naparoon sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan.

986
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusanTauhang Nagsisipagtakbuhan, Mga

At kinuha ni Aaron gaya ng sinalita ni Moises, at siya'y tumakbo sa gitna ng kapulungan; at, narito, ang salot ay nagpasimula sa gitna ng bayan; at siya'y naglagay ng kamangyan at itinubos sa bayan.

1031
Mga Konsepto ng TaludtodBanalin

Salitain mo kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na kaniyang kunin ang mga suuban sa sunog, at magkalat ng apoy doon; sapagka't mga banal yaon;

1058
Mga Konsepto ng TaludtodLabing Isa hanggang Labing Siyam na LiboKamatayan bilang Kaparusahan

Ang nangamatay nga sa salot ay labing apat na libo at pitong daan, bukod pa yaong nangamatay dahil kay Core.

1178
Mga Konsepto ng TaludtodPagtigilBagay na Humihinto, Mga

At si Aaron ay nagbalik kay Moises sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at ang salot ay tumigil.