58 Talata sa Bibliya tungkol sa Kapalaluan, Bunga ng
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Sapagka't kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.
At baka iyong sabihin sa iyong puso, Ang aking kapangyarihan at ang lakas ng aking kamay ang siyang nagbigay sa akin ng kayamanang ito. Kundi iyong aalalahanin ang Panginoon mong Dios, sapagka't siya ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ka ng kayamanan; upang kaniyang papagtibayin ang kaniyang tipan na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, gaya nga sa araw na ito.
Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala.
Sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong kasamaan; iyong sinabi, Walang nakakakita sa akin; ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman, nagpaligaw sa iyo: at iyong sinabi sa iyong puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin.
Tungkol sa iyong mga kakilabutan, dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na humahawak sa kaitaasan ng burol: bagaman iyong pataasin ang iyong pugad na kasingtaas ng aguila, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.
Kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may nalalamang anoman, ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman;
Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, at sa aral na ayon sa kabanalan; Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala.
Nagsalita nga kay Jeremias si Azarias na anak ni Osaias, at si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na palalong lalake, na nangagsasabi, Ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan: hindi ka sinugo ng Panginoon nating Dios, na magsabi, Kayo'y huwag magsisiparoon sa Egipto na mangibang bayan doon;
Ay magmataas ang iyong puso, at iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin;
Nguni't sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan, at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi dininig ang iyong mga utos.
Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman.
Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, at ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.
Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh makapangyarihang tao? Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.
Nguni't nang ang kaniyang puso ay magpakataas, at ang kaniyang espiritu ay magmatigas na siya'y gumawang may kapalaluan, siya'y ibinaba sa kaniyang luklukang pagkahari, at inalis nila ang kaniyang kaluwalhatian:
Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may kataasan.
Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan; sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos ng duwahagi ng mga tiwasay. At ng paghamak ng palalo.
Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan, siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan.
Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang: nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi.
Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan.
Oh Dios, ang palalo ay bumangon laban sa akin, at ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa, at hindi inilagay ka sa harap nila.
Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw: sapagka't sila'y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin.
Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo.
Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya. Oo, bukod dito'y ang alak ay magdaraya, isang taong hambog, at hindi natitira sa bahay; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol, at siya'y parang kamatayan, at hindi masisiyahan, kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa, at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan.
Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, hindi niya sisiyasatin. Lahat niyang pagiisip ay, walang Dios.
Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas? sa makatuwid baga'y laban sa Isang Banal ng Israel.
Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.
Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon; ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin: tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.
Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan.
At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.
Sapagka't iyong ililigtas ang napipighating bayan: nguni't ang mga mapagmataas na mata ay iyong ibababa.
Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit: at tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya. Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan.
Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya: pinalalagi ng Panginoon ang tapat, at pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo.
Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal: siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: nguni't nasa mababa ang karunungan.
Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo: nguni't kaniyang itatatag ang hangganan ng babaing bao.
Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.
Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon. Sapagka't magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas, at sa lahat na nagmamataas; at yao'y mabababa:
At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.
Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.
Sa araw na yao'y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.
Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.
Siya'y nagpakita ng lakas ng kaniyang bisig; Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso. Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
Hindi baguhan, baka siya kung magpalalo ay mahulog sa kaparusahan ng diablo.
At ang tubig ay nagsauli, at tinakpan ang mga karro, at ang mga nangangabayo, sa makatuwid baga'y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat; walang natira kahit isa sa kanila.
At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod, at sa buong bayan ng kaniyang lupain; sapagka't iyong nakilala na sila'y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito.
Nguni't nang siya'y lumakas, ang kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.
At ang Panginoon ay nagsugo ng isang anghel, na naghiwalay ng lahat na makapangyarihang lalaking may tapang, at ng mga pangulo at mga pinunong kawal, sa kampamento ng hari sa Asiria. Sa gayo'y bumalik siya na nahihiya sa kaniyang sariling lupain. At nang siya'y dumating sa bahay ng kaniyang dios, ay pinatay siya roon ng tabak ng nagsilabas sa kaniyang sariling tiyan.
Kaya't mangyayari, na pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng Sion at sa Jerusalem, aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria, at ang kaluwalhatian ng kaniyang mga mapagmataas na tingin.
Nguni't si Ezechias ay hindi nagbayad uli ng ayon sa kabutihang ginawa sa kaniya; sapagka't ang kaniyang puso ay nagmataas: kaya't nagkaroon ng kapootan sa kaniya, at sa Juda, at sa Jerusalem.
Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, Sapagka't ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa: Kaya't papaglalangibin ng Panginoon ang bao ng ulo ng mga anak na babae ng Sion, at huhubdan ng Panginoon ang kanilang mga lihim na bahagi.
At ang Babilonia, ang kaluwalhatian ng mga kaharian, ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.
Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod. Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:magbasa pa.
Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan. Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.