Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 28

Deuteronomio Rango:

19
Mga Konsepto ng TaludtodNasa PagkakautangPaninindigan sa DiyosDigmaan, Halimbawa ngNaabutanDiyos na Nagtataas sa mga TaoMasunurinSumusunod sa Diyos

At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa:

44
Mga Konsepto ng TaludtodTanghaliPagsagipMakamundong SuliraninPaglalakad sa KadilimanHindi UmuunladNinanakawan ang mga TaoEspirituwal na Kadiliman

At ikaw ay magaapuhap sa katanghaliang tapat na gaya ng bulag na nagaapuhap sa kadiliman, at hindi ka giginhawa sa iyong mga lakad: at ikaw ay mapipighati at sasamsaman kailan man, at walang taong magliligtas sa iyo.

90
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahan, Kulang saUbasanPagtatanim ng UbasanUgnayanRelasyon, Gulo saPag-aasawaPagtatatag ng RelasyonMatrimonya

Ikaw ay magaasawa, at ibang lalake ang sisiping sa kaniya: ikaw ay magtatayo ng isang bahay, at hindi mo tatahanan: ikaw ay maguubasan, at hindi mo mapapakinabangan ang bunga niyaon.

130
Mga Konsepto ng TaludtodKapangyarihan ng TaoKapangyarihan, KawalangMga Taong Walang Kakayahan na MagligtasMga Batang NaghihirapHindi Mailigtas

Ang iyong mga anak na lalake at babae ay magbibigay sa ibang bayan; at ang iyong mga mata ay titingin, at mangangalay ng paghihintay sa kanila sa buong araw: at ang iyong kamay ay walang magagawa.

231
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga Pambahay na HayopPagkawala ng AsnoWalang TulongNinanakawan ang mga Tao

Ang iyong baka ay papatayin sa harap ng iyong mga mata, at hindi mo makakain yaon; ang iyong asno ay aagawin sa harap ng iyong mukha, at hindi na masasauli sa iyo: ang iyong tupa ay mabibigay sa iyong mga kaaway, at walang magliligtas sa iyo.

367
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusanEtika, Dahilan ngLupain bilang Pananagutan ng DiyosGantimpala ng DiyosPagtatanim at PagaaniTagumpay bilang Gawa ng DiyosDigmaan, Halimbawa ngPagsuway sa DiyosJudio, Pag-uusig sa mgaKung Hindi Ninyo Susundin ang KautusanMasunurinSumusunod sa DiyosPagsuwayKahihinatnanSumpaSumusunod

Nguni't mangyayari, na kung hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isasagawa ang lahat ng kaniyang mga utos at ang kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo.

432
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaWalang Alam sa mga TaoYaong InaapiAbusoPaniniil

Ang bunga ng iyong lupa, at lahat ng iyong gawa ay kakanin ng bansang di mo nakikilala; at ikaw ay mapipighati at magigipit na palagi:

453
Mga Konsepto ng TaludtodKabaliwanKalusuganTrahedya

Na anopa't ikaw ay mauulol dahil sa makikita ng paningin ng iyong mga mata.

463
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, Dahilan ngNaabutanPagpapala at SumpaPagpapala mula sa DiyosPagpapala at KaunlaranSalaping Pagpapala

At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.

484
Mga Konsepto ng TaludtodNasa PagkakautangUlanPagiimbakLagay ng Panahon, Paghahari ng Diyos saTaon, MgaProbisyon, MgaPaghahanap sa mga Bagay sa KaitaasanDiyos na Naghatid ng UlanDiyos, Kamalig ngPangungutangPagpapautang at PangungutangPagpapala sa IbaSalaping PagpapalaMahal na Araw

Bubuksan ng Panginoon sa iyo ang kaniyang mabuting kayamanan, ang langit, upang ibigay ang ulan sa iyong lupain sa kapanahunan, at upang pagpalain ang buong gawa ng iyong kamay; at ikaw ay magpapahiram sa maraming bansa, at ikaw ay hindi hihiram.

496
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kaluwalhatian ngEtika, Personal naKaluwalhatian ng DiyosKaluwalhatian ng Diyos, Kapahayagan ngPagkamanghaAng Pangalan Niya ay PanginoonDiyos na Dapat KatakutanTuparin ang Kautusan!

Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios.

510
Mga Konsepto ng TaludtodKumakain ng TaoSinapupunan

At kakain ka ng bunga ng iyong sariling katawan, ng laman ng iyong mga anak na lalake at babae, na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, sa pagkakubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway.

515
Mga Konsepto ng TaludtodHita, MgaTuhodWalang Kagalingan

Sasaktan ka ng Panginoon sa mga tuhod at sa mga hita, ng isang masamang bukol na hindi mo mapagagaling, mula sa talampakan ng iyong paa hanggang sa bao ng iyong ulo.

528
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at Panukat ng DistansyaPakpakAgilaHindi Nauunawaan ang WikaHindi Alam na mga WikaMga Taong mula sa Malayong LugarWika

Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo, mula sa katapusan ng lupa, na gaya ng lumilipad ang aguila; isang bansang ang wika'y hindi mo nababatid;

530
Mga Konsepto ng TaludtodNangakalat na mga TaoDiyos na Nagpangalat sa IsraelHindi Kilalang mga Diyus-diyusanIba't ibang mga Diyus-diyusanKahoy at Bato

At pangangalatin ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo ng inyong mga magulang, sa makatuwid baga'y sa mga dios na kahoy at bato.

541
Mga Konsepto ng TaludtodKawikaanKakutyaan, Katangian ngKasiyasiya

At ikaw ay magiging isang kamanghaan, isang kawikaan, at isang kabiruan sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon.

561
Mga Konsepto ng TaludtodBakalKahubaranKahubaran sa KahirapanBakal na mga BagayTaggutom na Mula sa DiyosGrupo ng mga AlipinKaaway, MgaGutom

Kaya't maglilingkod ka sa iyong mga kaaway na susuguin ng Panginoon laban sa iyo, na may gutom, at uhaw, at kahubaran, at sa kakulangan ng lahat ng mga bagay: at lalagyan ka niya ng isang pamatok na bakal sa iyong leeg hanggang sa maibuwal ka niya.

583
Mga Konsepto ng TaludtodBato, MgaKahoyWalang Alam sa mga TaoIba't ibang mga Diyus-diyusanKahoy at Bato

Dadalhin ka ng Panginoon, at ang iyong haring ilalagay mo sa iyo, sa isang bansang hindi mo nakilala, ninyo ng iyong mga magulang at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na kahoy at bato.

586
Mga Konsepto ng TaludtodUlo bilang Pinuno

Siya'y magpapahiram sa iyo, at ikaw ay hindi makapagpapahiram sa kaniya: siya'y magiging ulo, at ikaw ay magiging buntot.

594
Mga Konsepto ng TaludtodBalang, MgaPagtatanim ng mga Binhi

Kukuha ka ng maraming binhi sa bukid, at kaunti ang iyong titipunin; sapagka't uubusin ng balang.

612
Mga Konsepto ng TaludtodBuntot, MgaUlo bilang PinunoTuparin ang Kautusan!Hindi Sumusuko

At gagawin ka ng Panginoon na ulo at hindi buntot, at ikaw ay magiging sa ibabaw lamang, at hindi ka mapapasailalim; kung iyong didinggin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong sundin at gawin;

627
Mga Konsepto ng TaludtodTagtuyoKaramdaman, MgaKaramdaman, Uri ng mgaMainitAmagNasayangLagnatDigmaan bilang Hatol ng DiyosKaramdamanKanserAmagPosibilidad, Mga

Sasalutin ka ng Panginoon ng sakit na tuyo, at ng lagnat, at ng pamamaga, at ng nagaapoy na init, at ng tabak, at ng salot ng hangin, at ng sakit sa pagani; at kanilang hahabulin ka hanggang sa ikaw ay malipol.

628
Mga Konsepto ng TaludtodPagpahid na LangisLangisHalamananOlibo, Puno ng

Magkakaroon ka ng mga puno ng olibo sa lahat ng iyong mga hangganan, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; sapagka't ang iyong olibo ay malalagasan ng buko.

630
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalan, Paglago ng Mananampalataya saPamamaraan ng DiyosMaayos na Turo sa Lumang TipanBayan ng Diyos sa Lumang TipanBayang BanalPaglalakad sa Pamamaraan ng DiyosTuparin ang Kautusan!

Itatatag ka ng Panginoon na isang banal na bayan sa kaniya, gaya ng kaniyang isinumpa sa iyo; kung iyong gaganapin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, at lalakad ka sa kaniyang mga daan.

642
Mga Konsepto ng TaludtodPansamantalang Pagpapala, MgaKamaligKaunlaranKamalig ng PagkainPagtatalaga

Igagawad sa iyo ng Panginoon ang kaniyang pagpapala sa iyong mga kamalig, at sa lahat ng pagpatungan mo ng iyong kamay at pagpapalain ka niya sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

677
Mga Konsepto ng TaludtodKung Hindi Ninyo Susundin ang Kautusan

At lahat ng mga sumpang ito ay darating sa iyo at hahabulin ka, at aabutan ka, hanggang sa magiba ka; sapagka't hindi mo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na kaniyang iniutos sa iyo:

680
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanKaramdaman, Uri ng mgaGamotNananakotMasamang BayanWalang KagalinganKagalingan sa KanserKaramdamanPaltos at PamamagaKanser

Sasalutin ka ng Panginoon ng bukol sa Egipto, at ng mga grano, at ng kati, at ng galis, na hindi mapagagaling.

681
Mga Konsepto ng TaludtodPananimMapagbigay, Diyos naLupain, Bunga ngDiyos na Nagbigay ng LupainAng Matuwid ay NagtatagumpayPagpapala at KaunlaranKayamanan at KaunlaranPaggalang sa Iyong Katawan

At ikaw ay pasasaganain ng Panginoon, sa ikabubuti mo, sa bunga ng iyong katawan, at sa bunga ng iyong mga hayop, at sa bunga ng iyong lupa, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang upang ibigay sa iyo.

688
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanPagkataloBangkay, Literal na GamitKaharian, MgaMakapitoTuntuninFootball

Pasasaktan ka ng Panginoon sa harap ng iyong mga kaaway; ikaw ay lalabas sa isang daan laban sa kanila, at tatakas sa pitong daan sa harap nila: at ikaw ay papagpaparoo't parituhin sa lahat ng mga kaharian sa lupa.

693
Mga Konsepto ng TaludtodUmuunlad

At mangyayari, na kung paanong ang Panginoon ay nagagalak sa inyo na gawin kayong mabuti at paramihin kayo: ay gayon magagalak ang Panginoon sa inyo na ipalipol kayo, at ibuwal kayo; at kayo'y palalayasin sa lupa na inyong pinapasok upang ariin.

696
Mga Konsepto ng TaludtodKalituhanSawayKawalang-KaayusanKahihinatnan ng Pagtalikod sa DiyosSumpa

Ibubugso ng Panginoon sa iyo ang sumpa, ang kalituhan, at ang saway, sa lahat ng pagpapatungan ng iyong kamay na iyong gagawin, hanggang sa ikaw ay mabuwal, at hanggang sa ikaw ay malipol na madali; dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa, na sa gayo'y pinabayaan mo ako.

697
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal na Pag-aamponTinawag sa Pangalan ng DiyosNatatakot

At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa, na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon at sila'y matatakot sa iyo.

698
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapala sa IsraelPitoHindi MagagapiMakapitoKaaway, MgaBumangonTuntuninKaaway, Atake ng mga

Pasasaktan ng Panginoon sa harap mo ang iyong mga kaaway na nagbabangon laban sa iyo: sila'y lalabas laban sa iyo sa isang daan at tatakas sa harap mo sa pitong daan.

719
Mga Konsepto ng TaludtodMandaragatHindi KaylanmanKaragatan, Manlalayag saPagbabalik sa SinaunaGrupo ng mga AlipinPangaalipin

At pababalikin ka ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng sasakyan, sa daan na aking sinabi sa iyo, Hindi mo na uli makikita; at doo'y pabibili kayo sa inyong mga kaaway na pinaka aliping lalake, at babae, at walang taong bibili sa inyo.

726
Mga Konsepto ng TaludtodKaramdamanKaramdaman

Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon.

739
Mga Konsepto ng TaludtodMuogPagpapatibayLungsodPader, MgaNapapaderang mga BayanBansang mga Sumalakay sa Israel, Mga

At kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, hanggang sa ang iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak, na siyang iyong inaasahan, sa iyong buong lupain; at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan sa iyong buong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

750
Mga Konsepto ng TaludtodMasunurin sa DiyosHindi LumilikoIba't ibang mga Diyus-diyusanHuwag Magkaroon ng Ibang diyos

At huwag kang lilihis sa anoman sa mga salita na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, sa kanan o sa kaliwa, upang sumunod sa ibang mga dios na paglilingkuran sila.

758
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaDayuhan, MgaDayuhan

Ang taga ibang lupa na nasa gitna mo ay tataas ng higit at higit sa iyo, at ikaw ay pababa ng pababa ng pababa.

765
Mga Konsepto ng TaludtodUbasUbasanPagtatanim ng UbasanPagbubungkalUod, MgaUod

Ikaw ay maguubasan at iyong aalagaan, nguni't ni hindi ka iinom ng alak, ni mamimitas ng ubas; sapagka't kakanin yaon ng uod.

774
Mga Konsepto ng TaludtodIlang Tao

At kayo'y malalabing kaunti sa bilang, pagkatapos na kayo'y naging gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios.

780
Mga Konsepto ng TaludtodMga Batang NaghihirapAma at ang Kanyang mga Anak na Babae

Ikaw ay magkakaanak ng mga lalake at mga babae, nguni't sila'y hindi magiging iyo; sapagka't sila'y yayaon sa pagkabihag.

790
Mga Konsepto ng TaludtodKumakain ng TaoGumagawa ng LihimKapanganakan

At sa kaniyang sanggol na lumalabas sa pagitan ng kaniyang mga paa at sa kaniyang mga anak na kaniyang ipanganganak; sapagka't kaniyang kakanin ng lihim sila dahil sa kakulangan ng lahat ng mga bagay, sa pagkubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa iyong mga pintuang-bayan.

807
Mga Konsepto ng TaludtodPinagpalaMabunga, Natural naKorderoSinapupunanLupain, Bunga ngAlagang Hayop, Mga

Magiging mapalad ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, at ang bunga ng iyong mga hayop, ang karagdagan sa iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan.

813
Mga Konsepto ng TaludtodTansoBakal, Talinghagang Gamit ng mgaBakalBagay na Tulad ng Tanso, MgaBagay na Tulad ng Bakal, Mga

At ang iyong langit na nasa itaas ng iyong ulo, ay magiging tanso, at ang lupa na nasa ilalim mo ay magiging bakal.

815
Mga Konsepto ng TaludtodKalusuganPuso ng TaoNanginginigTao, Damdamin ngLibanganTakot na DaratingKawalang-PagasaNababalisa

At sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa: kundi bibigyan ka ng Panginoon doon ng sikdo ng puso, at pangangalumata, at panglalambot ng kaluluwa:

834
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Lumalaban

Ang mahabagin at maramdaming babae sa gitna mo, na hindi pa natitikmang itungtong ang talampakan ng kaniyang paa sa lupa dahil sa kahinhinan at pagkamahabagin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa kaniyang anak na lalake, at babae;

844
Mga Konsepto ng TaludtodSalot

Ikakapit sa iyo ng Panginoon ang salot hanggang sa maubos ka sa lupa, na iyong pinapasok upang ariin.

850
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Hanggang KasamaanSumpa

At ang mga yao'y magiging isang tanda at isang kababalaghan sa iyo, at sa iyong lahi magpakailan man:

863
Mga Konsepto ng TaludtodPinagpalaLabas PasokPagpapala mula sa Diyos

Magiging mapalad ka sa iyong pagpasok, at magiging mapalad ka sa iyong paglabas.

878
Mga Konsepto ng TaludtodPananimDiyos na Sumusumpa

Susumpain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang karagdagan ng iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan.

897
Mga Konsepto ng TaludtodMagkapatidMasamang mga MataMga Taong LumalabanKuripot na mga TaoEmpatyaMahabaging Puso

Ang lalaking mahabagin sa gitna mo, at totoong maramdamin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa kaniyang kapatid, at sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa labis sa kaniyang mga anak na ititira:

898
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na SumusumpaLabas Pasok

Susumpain ka sa iyong pagpasok, at susumpain ka sa iyong paglabas.

909
Mga Konsepto ng TaludtodAbo, Talinghagang Gamit ngAbo

Ang ipauulan ng Panginoon sa iyong lupa ay abo at alabok; mula sa langit ay bababa sa iyo, hanggang sa ikaw ay magiba.

911
Mga Konsepto ng TaludtodKanayunanDiyos na Sumusumpa

Susumpain ka sa bayan, at susumpain ka sa parang.

929
Mga Konsepto ng TaludtodLangisTaggutom, Darating naTaggutom na Darating

At kaniyang kakanin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa maibuwal ka; na wala ring matitira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay maipalipol.

933
Mga Konsepto ng TaludtodAklat ng KautusanKaramdamanKaramdaman

Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal.

941
Mga Konsepto ng TaludtodKumakain ng Tao

Na anopa't hindi niya ibibigay sa kaninoman sa kanila ang laman ng kaniyang mga anak na kaniyang kakanin, sapagka't walang natira sa kaniya, sa pagkubkob at sa kagipitan na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan.

943
Mga Konsepto ng TaludtodKulisap

Lahat ng iyong puno ng kahoy at bunga ng iyong lupa ay aariin ng balang.

944
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Damdamin ngKawalang-Pagasa, Sanhi ngPuso ng TaoMakatulog, HindiPagdurusaWalang KapahingahanSa Umaga

Sa kinaumagaha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay gumabi na! at sa kinagabiha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay umumaga na! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita.

951
Mga Konsepto ng TaludtodKahirapan sa Araw at GabiHindi Tiyak na mga BagayTakot sa mga KaawayTamang TimbangPagtitiyak

At ang iyong buhay ay mabibitin sa pagaalinglangan sa harap mo; at ikaw ay matatakot gabi't araw, at mawawalan ng katiwalaan ang iyong buhay.

952
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa Ibang BagayKaramdaman

At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat ng mga sakit sa Egipto, na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo.