Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 31

Deuteronomio Rango:

468
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

At si Moises ay yumaon at sinalita ang mga salitang ito sa buong Israel.

514
Mga Konsepto ng TaludtodAklat, MgaMoises, Kahalagahan niSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanKaban, Ang Paglilipat-lipat saDala-dalang mga Banal na BagayAng Kautusan ay Ibinigay sa Pamamagitan ni MoisesAng Kautusan ni Moises

At isinulat ni Moises ang kautusang ito, at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel.

556
Mga Konsepto ng TaludtodProstitusyonKapahingahan, Pisikal naPagtulog at KamatayanTiwala, Kakulangan ngNalalapit na KamatayanPaglabag sa TipanKamatayan na MangyayariKamatayan

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang; at ang bayang ito'y babangon, at sasamba sa kakaibang mga dios sa lupain, na kanilang pinaroroonan upang sumagitna nila, at ako'y pababayaan, at sisirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanila.

603
Mga Konsepto ng TaludtodNalalapit na KamatayanKamatayan na MangyayariPagtatakda ng Diyos sa IbaKamatayanKamatayan, Dumarating na

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ang iyong mga araw na ikamamatay ay nalalapit: tawagin mo si Josue, at magsiharap kayo sa tabernakulo ng kapisanan upang siya'y aking mapagbilinan. At si Moises at si Josue ay yumaon at humarap sa tabernakulo ng kapisanan.

606
Mga Konsepto ng TaludtodAklat ng KautusanPasimulaPagsusulatHuling mga SalitaAng Kautusan ay Ibinigay sa Pamamagitan ni MoisesPagtatapos ng MalakasTinatapos

At nangyari, nang matapos ni Moises na masulat ang mga salita ng kautusang ito sa isang aklat, hanggang sa natapos,

623
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaTipan, Tagapaglabag ngPagdidisupulo, Katangian ngPagkatuto mula sa Ibang mga TaoLalake at BabaeLabas, Mga TaongDayuhan, Tungkulin ng MananampalatayaPagtitipon ng IsraelMga Banyaga na Kasama sa Taong BayanTuparin ang Kautusan!Dayuhan

Pisanin mo ang bayan, ang mga lalake at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pagaralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito;

639
Mga Konsepto ng TaludtodAklat ng KautusanBagay bilang mga Saksi, MgaAng Kautusan ay Ibinigay sa Israel

Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, upang doo'y maging pinakasaksi laban sa iyo.

650
Mga Konsepto ng TaludtodAwit, MgaPagsusulatPagsasaulo ng BibliyaPagsusulat ng AwitinKompositorBagay bilang mga Saksi, MgaLumang Tipan, Pahayag ng Inspirasyon sa

Ngayon nga'y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito, at ituro mo sa mga anak ni Israel: ilagay mo sa kanilang mga bibig, upang ang awit na ito'y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel.

654
Mga Konsepto ng TaludtodUtangPamamahinga, Taon ngMga Taong Nagpapatawad sa IbaUtang

At iniutos sa kanila ni Moises, na sinabi, Sa katapusan ng bawa't pitong taon, sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, sa kapistahan ng mga balag,

674
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusulat ng AwitinKompositor

At sinalita ni Moises sa pakinig ng buong kapisanan ng Israel ang mga salita ng awit na ito, hanggang sa natapos.

701
Mga Konsepto ng TaludtodKapahingahan, Walang HaggangMagkasamang NakikipaglabanKalakasan ng mga TaoDiyos na Nagbigay ng LupainMagpakatapang Ka!Magpakalakas!Katapangan at Lakas

At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila; at iyong ipamamana sa kanila.

705
Mga Konsepto ng TaludtodPatnubay mula sa mga MakaDiyos na TaoLabas Pasok

At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito; hindi na ako makapaglalabas at pumasok; at sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag kang tatawid sa Jordang ito.

785
Mga Konsepto ng TaludtodKorapsyon, Sanhi ngPamamaraan ng DiyosYamutin ang DiyosKasalanan, Kalikasan ngPagkakaalam, Paunang

Sapagka't talastas ko na pagkamatay ko, kayo'y mangagsisisama at mangaliligaw sa daan na aking itinuro sa inyo; at ang kasamaan ay sasapit sa inyo sa mga huling araw; sapagka't inyong gagawin yaong masama sa paningin ng Panginoon, upang ipamungkahi niya kayo sa kagalitan sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.

798
Mga Konsepto ng TaludtodKaban, Ang Paglilipat-lipat saDala-dalang mga Banal na BagayTipan ng Diyos sa mga Levita

Na nagutos si Moises sa mga Levita, na may dala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sinasabi,

805
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanKahirapan ng mga MasamaGalit ng Diyos, Dulot ngItinakuwil, MgaDiyos, Ikagagalit ng

Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay wala sa gitna natin?

814
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipilianPaglalakbay, Banal naPagbabasa ng KasulatanPagbabasa ng Biblia

Pagdating ng buong Israel upang pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig.

828

At gagawin sa kanila ng Panginoon ang gaya ng ginawa kay Sehon, at kay Og, na mga hari ng mga Amorrheo, at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol.

829
Mga Konsepto ng TaludtodPagtawid tungo sa Lupang Pangako

Magpapauna ang Panginoon mong Dios at kaniyang lilipulin ang mga bansang ito sa harap mo, at iyong aariin: si Josue ay magpapauna sa iyo, gaya ng sinalita ng Panginoon.

833
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik ng IsraelLeeg, MgaSariling KaloobanMatitigas na Ulo, MgaPagkakaalam sa TotooPaghihimagsik laban sa DiyosPaghihimagsik

Sapagka't talastas ko ang iyong panghihimagsik, at ang iyong matigas na ulo: narito, nabubuhay pa akong kasama ninyo, sa araw na ito, kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon: at gaano pa kaya pagkamatay ko?

867
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngHinaharapDiyos, Paunang Kaalaman ngHindi KinakalimutanBagay bilang mga Saksi, Mga

At mangyayari na pagka ang maraming kasamaan at kabagabagan ay dumating sa kanila, ay magpapatotoo ang awit na ito sa harap nila na pinakasaksi; sapagka't hindi malilimutan ng mga bibig ng kanilang binhi; sapagka't talastas ko ang kanilang iniisip na kanilang inaakala ngayon pa, bago ko sila ipasok sa lupain na isinumpa ko.

873
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglabanMga Utos sa Lumang TipanTaimtim na AtasKatapanganKalakasan ng mga TaoDiyos sa piling ng mga TaoPagtatakda ng Diyos sa IbaMagpakatapang Ka!Magpakalakas!

At kaniyang pinagbilinan si Josue na anak ni Nun, at sinabi, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't iyong ipapasok ang mga anak ni Israel sa lupain na isinumpa ko sa kanila; at ako'y sasa iyo.

893
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainPagtanggi sa DiyosTiwala, Kakulangan ngKawalang Utang na Loob sa DiyosAng Lupang PangakoIba't ibang mga Diyus-diyusanPaglabag sa TipanGatas at Pulot

Sapagka't pagka sila'y naipasok ko na sa lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, na binubukalan ng gatas at pulot, at sila'y nakakain at nabusog at tumaba; ay pipihit nga sila sa ibang mga dios, at paglilingkuran nila, at ako'y lalabagin nila, at sisirain ang aking tipan.

899
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pahayag ngKasalanan, Naidudulot ngIba't ibang mga Diyus-diyusan

At ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios.

906
Mga Konsepto ng TaludtodLangit at LupaPagtitipon ng mga PinunoBagay bilang mga Saksi, MgaAng Pagtitipon ng mga Matatanda

Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig, at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila.

927
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusulat ng AwitinKompositorMga Taong NagtuturoLumang Tipan, Pahayag ng Inspirasyon sa

Kaya't isinulat ni Moises ang awit na ito nang araw ding yaon, at itinuro sa mga anak ni Israel.

928
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At ibibigay sila ng Panginoon sa harap mo, at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa buong utos na aking iniutos sa iyo.

945
Mga Konsepto ng TaludtodPagkatutoAma, Mga Pananagutan ng mgaDisiplina sa PamilyaWalang KaranasanPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngPagtawid tungo sa Lupang Pangako

At upang ang kanilang mga anak, na hindi nakakilala, ay makarinig at magaral na matakot sa Panginoon ninyong Dios, habang kayo'y nabubuhay sa lupain na inyong pinaroroonan, na inyong itinatawid ng Jordan upang ariin.

946
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na KapahayaganTheopaniyaPagpapakita ng Diyos sa Pintuan

At ang Panginoon ay napakita sa Tolda, sa isang tila haliging ulap; at ang tila haliging ulap ay tumayo sa pintuan ng tabernakulo.