Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Awit 89

Awit Rango:

293
Mga Konsepto ng TaludtodBibig, MgaPagpupuri, Dahilan ngUmaawitAko ay Aawit ng mga PapuriDiyos, Kapahayagan ng Gawa ngDiyos, Katapatan ng

Aking aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man: aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi.

479
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonKatapatan sa Pakikitungo sa TaoKatapatanDiyos, Katapatan ngKahatulanHabag at BiyayaWalang KinikilinganKrusada

Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.

580
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakbay kasama ang DiyosPaglalakadPagbubunyiDiyos na Nagbibigay LiwanagPinagpala sa pamamagitan ng DiyosKagalakan at KasiyahanPagpapala sa Iba

Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog: sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.

681
Mga Konsepto ng TaludtodPangitain mula sa Diyos

Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, at iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.

685
Mga Konsepto ng TaludtodPanganayMagkapatidCristo bilang Panganay

Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa.

716
Mga Konsepto ng TaludtodLangisLingkod ng PanginoonPaghahanap sa mga TaoPinahiran ng Diyos

Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:

794
Mga Konsepto ng TaludtodMonoteismoPagkukumpara, MgaSinong Katulad ng Diyos?Anghel, Mga

Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,

884
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na ating BatoPagkakaalam sa Diyos, Bunga ngBatuhanDiyos ng Aking KaligtasanAma, Pagiging

Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.

902
Mga Konsepto ng TaludtodPapuriAstronomiyaPapuri sa Diyos ay Nararapat

At pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon; ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng mga banal.

1019
Mga Konsepto ng TaludtodKatataganDiyos na Hindi MababagoDiyos, Katapatan ngPagtatalaga

Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man: ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.

1150
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaan

Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;

1163
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kapangyarihan ngDiyos, Titulo at Pangalan ngSundalo, MgaKapangyarihan ng Diyos, InilarawanSinong Katulad ng Diyos?KatapatanDiyos, Katapatan ng

Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH? At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.

1171
Mga Konsepto ng TaludtodPanata ng DiyosPaanong ang Diyos ay Hindi MagsisinungalingKabuoan

Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David;

1192
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamuhiPinabayaanGalit ng Diyos, Dulot ngPagtanggi

Nguni't iyong itinakuwil at tinanggihan, ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.

1232
Mga Konsepto ng TaludtodAng Kalooban ng Diyos ay hindi MabibigoKatapatanPagpapanumbalikDiyos na Nagpapakita ng Kanyang Kagandahang-LoobHuling Pahayag ng Tipan sa Diyos, Mga

Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, at ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya.

1235
Mga Konsepto ng TaludtodKagandahang LoobDiyos na Nangako ng Pagpapala

Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob, na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?

1248
Mga Konsepto ng TaludtodBisigKatubusan sa Lumang TipanKalakasan, MakaDiyos naBisig ng DiyosNangakalat na mga Tao

Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay; iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.

1322
Mga Konsepto ng TaludtodPsalmo, MadamdamingAng Dinastiya ni DavidBinhi, MgaPagpapanatili

Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man, at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali't saling lahi. (Selah)

1350
Mga Konsepto ng TaludtodLangit, Katangian ngCristo, Paghahari Kaylanman niAng Dinastiya ni David

Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, at ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit.

1475
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na ating TanggulanDiyos na ating Sanggalang

Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon; at ang aming hari ay sa banal ng Israel.

1618
Mga Konsepto ng TaludtodPagtataksilPagtataksil, Hindi Kaylanman Gagawin ng DiyosKagandahang LoobDiyos na Nagpapakita ng Kanyang Kagandahang-Loob

Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.

1621
Mga Konsepto ng TaludtodKagalakan at Karanasan ng TaoKabundukanSinasakopHilaga at TimogAno pa ang Nilikha ng Diyos

Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha; ang Tabor at ang Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan.

1662
Mga Konsepto ng TaludtodAng ArawCristo, Paghahari Kaylanman niAng Dinastiya ni DavidAraw

Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko.

1767
Mga Konsepto ng TaludtodMatagal na PagpapahirapDiyos na NagtatagoBago Kumilos ang Diyos

Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man? Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?

1865
Mga Konsepto ng TaludtodSungay, MgaSarili, Galang saBanal na KaluguranSungay, Matagumpay naPagibig at LakasKabayong may SungayLingapKalakasan at Pagibig

Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan: at sa iyong lingap ay matataas ang aming sungay.

1881
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanHimpapawidCristo, Paghahari Kaylanman niPsalmo, MadamdamingAng Buwan

Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit. (Selah)

1910

Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;

1919
Mga Konsepto ng TaludtodPaghagupitPamamaloDiyos na Pumapalo sa Tao

Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan.

1936
Mga Konsepto ng TaludtodSungay, Matagumpay naDiyos na Nagpapakita ng Kanyang Kagandahang-LoobDiyos, Katapatan ngKatapatan bilang Bunga ng EspirituPagtatalaga

Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; at sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay.

1955
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawalang SaysayGulang, Haba ng Buhay batay saBuhay ng TaoPisikal na BuhayBuhay, Kaiklian ngAng Kaiklian ng PanahonWalang Kabuluhang mga TaoPanahon, Lumilipas na

Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon: sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.

1995
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalagay ng KatuwiranPangako ng KaligayahanDiyos na Gumagawa ng Tama sa Kanyang Bayan

Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw: at sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.

2039
Mga Konsepto ng TaludtodKung Hindi Ninyo Susundin ang Kautusan

Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko;

2051
Mga Konsepto ng TaludtodMagkapares na mga SalitaAmenPurihin ang Diyos!

Purihin ang Panginoon, magpakailan man. Siya nawa, at Siya nawa.

2054
Mga Konsepto ng TaludtodHuling Pahayag ng Tipan sa Diyos, Mga

Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod: iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.

2151
Mga Konsepto ng TaludtodAng Pinahiran ng PanginoonYapak ng PaaBakas ng Paa

Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon, na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.

2182
Mga Konsepto ng TaludtodParangalNagtatagumpay

Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.

2225
Mga Konsepto ng TaludtodCristo, Kanang Kamay ni

Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.

2362
Mga Konsepto ng TaludtodTrosong PanggibaPader, MgaArkeolohiyaPagkawasak ng JerusalemPagkawasak ng Pader ng Jerusalem

Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod: iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.

2366
Mga Konsepto ng TaludtodCristo na MananagumpayGalitMga Taong may GalitPagbulusok

At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.

2379
Mga Konsepto ng TaludtodKabataanPsalmo, Madamdaming

Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan: iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)

2425
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibiro

Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya. Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.

2434
Mga Konsepto ng TaludtodKatapusanPagpapaalisPagkawala ng Dangal

Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan. At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.

2444

Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak, at hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.

2453
Mga Konsepto ng TaludtodMasama para sa Kanang KamayNagagalak sa Masama

Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway; iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.