25 Talata sa Bibliya tungkol sa Pakikipaglaban sa Kamatayan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Juan 3:16
Mga Konsepto ng TaludtodKagalingan sa KanserPagibig ng Diyos kay CristoWalang HangganPagbibigayDiyos na Ibinibigay ang Kanyang AnakPagibig ng Diyos para sa AtinWalang HangganAng SanlibutanDiyos, Pagibig ngAma, Pagibig ngMinamahalPagmamahal sa LahatHindi SumusukoMalamigKatubusanPagtanggap kay CristoPagiging KristyanoKinatawanPagiging Ganap na KristyanoKamanghamanghang DiyosSanggol na si JesusPagiging LiwanagNagbibigay KaaliwanPagiging Ipinanganak na MuliPagiging ManlalakbayGawa ng KabutihanPagbagsak ng Tao, Kinahinatnan ngAraw, Paglubog ngNatatangiAdan, Mga Lahi niUgali ng Diyos sa mga TaoWalang Hanggang Buhay, Biyaya ngNaligtas sa Pamamagitan ng PananampalatayaNagliligtas na PananampalatayaPagibig, Katangian ngPaskoPagiging PinagpalaEspirituwal na KamatayanMalapadKaloob mula sa Diyos, Espirituwal naDiyos, Pagibig ngPagiging Kabilang sa Pamilya ng DiyosBugtong na Anak ng DiyosPagasa para sa Di-MananampalatayaWalang Hanggang KatiyakanMisyon ni Jesu-CristoJesus, Ginampanan Niya sa KaligtasanPagiging PagpapalaTirintasCristo, Relasyon Niya sa DiyosDiyos, Paghihirap ngCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaPagkakaalam na Ako ay LigtasPananampalataya, Kalikasan ngMinsang Ligtas, Laging LigtasPagibigPagibig bilang Bunga ng EspirituInialay na mga BataBuhay sa Pamamagitan ng PananampalatayaSawing-PusoKakayahan ng Diyos na MagligtasPuso ng DiyosUnang PagibigPagaalay ng mga Panganay na AnakPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngKaloob, MgaPagpapala, Espirituwal naWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngHindi NamamatayKaligtasan bilang KaloobBiyaya at si Jesu-CristoMga GawainMapagbigay, Diyos naPagkawala ng Mahal sa BuhayWalang Hanggang Buhay

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Mga Taga-Roma 8:38-39

Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Isaias 4:1

At pitong babae ay magsisihawak sa isang lalake sa araw na yaon, na mangagsasabi, Kami ay magsisikain ng aming sariling tinapay, at mangagsusuot ng aming sariling kasuutan: tawagin lamang kami sa iyong pangalan; alisin mo ang aming kadustaan.

1 Tesalonica 4:13-18

Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa. Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya. Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.magbasa pa.
Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

Isaias 54:4

Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay hindi mapapahiya: o malilito ka man; sapagka't hindi ka malalagay sa kahihiyan: sapagka't iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa.

Hosea 13:14

Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata.

Mangangaral 8:8

Walang tao na may kapangyarihan sa diwa upang pumigil ng diwa; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan; at walang dahilan sa pakikipagpunyaging yaon: ni maililigtas siya ng kasamaan, na taglay niya.

Juan 13:7

Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.

Awit 23:1-6

Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan, Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.magbasa pa.
Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin. Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; ang aking saro ay inaapawan. Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.

1 Corinto 15:25-26

Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway. Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.

Juan 10:28-29

At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a