42 Talata sa Bibliya tungkol sa Panalangin
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Mangagalak kayong lagi; Magsipanalangin kayong walang patid; Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako; sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan.
Mga Paksa sa Panalangin
Ang Banal na Espiritu at Panalangin
Mga Taga-Roma 8:15Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama.
Ang Panalangin ng Panginoon
Mateo 6:9Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Bakit ang Panalangin ay Hindi Nasasagot
Santiago 4:3Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.
Dinggin ang Panalangin!
1 Mga Hari 8:29-30Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong iyong sinabi, Ang aking pangalan ay doroon; upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito.
Diyos na Nakikinig sa Aking Panalangin
Awit 3:4Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah)
Diyos na Sumasagot ng mga Panalangin
Isaias 65:24At mangyayari, na bago sila magsitawag, sasagot ako; at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.
Diyos na Sumasagot ng Panalangin
Mateo 7:7Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:
Hindi Dininig na Panalangin
Santiago 4:3Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.
Ilog bilang Lugar Panalangin
Mga Gawa 16:13At nang araw ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon.
Kahirapan, Panalangin sa Oras ng
Santiago 5:13Nagbabata baga ang sinoman sa inyo? siya'y manalangin. Natutuwa ang sinoman? awitin niya ang mga pagpupuri.
Magulang para sa mga Anak, Panalangin ng
Genesis 17:18At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!
Masigasig na Panalangin
Mga Taga-Colosas 4:2Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat;
Panalangin at Kalooban ng Diyos
1 Juan 5:14At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:
Panalangin at Pagsamba
1 Paralipomeno 16:28-29Mangagbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan.
Panalangin at Pananampalataya
Mga Hebreo 11:6At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.
Panalangin bilang Paghingi sa Diyos
Mga Taga-Filipos 4:6Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
Panalangin bilang Papuri at Pasasalamat
Mga Taga-Filipos 4:6Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
Panalangin bilang Relasyon sa Diyos
Isaias 64:8-9Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.
Panalangin bilang Tugon sa Diyos
Awit 123:1-2Sa iyo'y aking itinitingin ang mga mata ko, Oh sa iyo na nauupo sa mga langit.
Panalangin na Inialay na may
Mga Taga-Efeso 6:18Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,
Panalangin para sa Jerusalem
Awit 122:6Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
Panalangin sa Loob ng Iglesia
Mga Gawa 1:14Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya.
Panalangin sa Oras ng Paguusig
Mga Gawa 12:5Kaya nga't si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwa't ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya.
Panalangin sa Oras ng Panghihina ng Loob
Awit 42:5-11Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
Panalangin, Inilarawan ang
Mga Taga-Efeso 3:14Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama,
Panalangin, Pagaalinlangan Tungkol sa
Exodo 5:22-23At si Moises ay bumalik sa Panginoon, at nagsabi, Panginoon, bakit mo ginawan ng kasamaan ang bayang ito? bakit mo sinugo ako?
Panalangin, Pagtitipon sa
Mateo 18:19Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.
Panalangin, Pagtitiyaga sa
Awit 40:1Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; at siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
Panalangin, Pangako ng Diyos Tungkol sa
Mateo 7:7-11Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:
Panalangin, Payo para sa Mabisang
Isaias 59:2Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig.
Panalangin, Sagot sa
Awit 145:18-19Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan.
Panalangin, Wika ng
Mga Taga-Roma 8:26At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;
Psalmo bilang Panalangin, Mga
Awit 143:1Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik: sa iyong pagtatapat ay sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
Sinagot na Panalangin
Genesis 4:13-15At sinabi ni Cain sa Panginoon, Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.
Taus Pusong Panalangin sa Diyos
Mga Taga-Roma 10:1Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.
Walang Dunong na Panalangin
Genesis 18:23-32At lumapit si Abraham, at nagsabi, Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama?