49 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagbabago ng Sarili

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Jeremias 13:23

Makapagbabago baga ang Etiope ng kaniyang balat, o ang leopardo ng kaniyang batik? kung magkagayo'y mangakagagawa naman kayo ng mabuti, na mga bihasang gumawa ng masama.

Mga Taga-Roma 12:2
Mga Konsepto ng TaludtodLipunan, Tungkulin saBagong Panahon, Paniniwala saPagtatangiPaglalakbayKulturaKaisipan, MgaMagigingAng IsipanPagsunodPagbabasa ng BibliaUgaliPagpapanibagoKaranasanProsesoGulangPlano ng Diyos Para Sa AtinKasulatanPagkakaalam sa Kalooban ng DiyosPagiging tulad ni CristoMasamang ImpluwensiyaMasamang PananalitaPagbabagoMasamang KaisipanHindi KamunduhanUgali ng Kristyano sa harapan ng SanlibutanKaisipan ng MatuwidSarili, Pagpapakalayaw saImpluwensyaPagiisipPaninindigan sa MundoKamunduhanPagbabago, Katangian ngIsipan, Laban ngKaganapan ng DiyosMga Taong NagbagoEspirituwal na PagbabagoPampagandaAlinsunodKasalanan, Pagiwas saSanlibutang Laban sa DiyosBagong IsipPagiisipBinagong PusoMasama, Tagumpay laban saMakalamanPaghahanapRepormasyonDiyos, Kaperpektuhan ngPagpipigil sa iyong KaisipanAlkoholLipunan, Mabuting Kalagayan ngPagibig, Pangaabuso saPagpapasakop sa Kalooban ng DiyosKarunungang Kumilala, Katangian ngKamunduhan, IwasanPagbabagoPagpapanibago ng Bayan ng DiyosBinagoDiyos, Panukala ngPamimilit ng BarkadaProblema, Pagsagot saEspirituwal na Digmaan, Kalaban saDiyos, Kabutihan ngMaalalahaninKarunungang Kumilala, Pinagmumulan ngKautusan, Paglalarawan saSarili, DisiplinaPinagpaparisanKalusuganDapat Unahin sa Buhay, MgaPagsubokKalaguang EspirituwalPananawSarili, Imahe sa

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Awit 18:25

Sa mahabagin ay pakikilala kang mahabagin; sa sakdal na tao ay pakikilala kang sakdal;

Genesis 35:2

Nang magkagayo'y sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan, at sa lahat niyang kasama. Ihiwalay ninyo ang mga dios ng iba na nangasa inyo, at magpakalinis kayo, at magbago kayo ng inyong mga suot:

Kawikaan 26:4

Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya.

Mga Gawa 26:2

Ikinaliligaya kong lubha, haring Agripa, na sa harapan mo'y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal ng mga Judio laban sa akin.

Santiago 4:9

Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.

Kawikaan 22:25

Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.

Isaias 65:1

Ako'y napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa akin; ako'y nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa akin: aking sinabi, Narito ako, narito ako, sa bansa na hindi tinawag sa aking pangalan.

Isaias 65:5

Na nagsasabi, Humiwalay ka, huwag kang lumapit sa akin, sapagka't ako'y lalong banal kay sa iyo. Ang mga ito ay usok sa aking ilong, apoy na nagliliyab buong araw.

Exodo 19:10

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas at labhan nila ang kanilang mga damit,

Jeremias 2:36

Bakit ka lumalaboy upang papanibaguhin mo ang iyong lakad? ikahihiya mo rin naman ang Egipto na gaya ng iyong pagkahiya sa Asiria.

2 Paralipomeno 18:29

At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Ako'y magpapakunwaring iba, at paroroon ako sa pagbabaka; nguni't ikaw ay magbalabal ng iyong mga balabal hari. Sa gayo'y ang hari ng Israel ay nagpakunwaring iba; at sila'y nagsiparoon sa pagbabaka.

1 Mga Hari 14:2

At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, Bumangon ka, isinasamo ko sa iyo at magpakunwari kang iba upang huwag kang makilala na asawa ni Jeroboam; at pumaroon ka sa Silo; narito, naroon si Ahias na propeta na nagsalita tungkol sa akin, na ako'y magiging hari sa bayang ito.

Deuteronomio 14:25

Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios:

Juan 8:14

Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Bagama't ako'y nagpapatotoo sa akin din, ay totoo ang aking patotoo; sapagka't nalalaman ko kung saan ako nanggaling, at kung saan ako paroroon; datapuwa't hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako paroroon.

Lucas 9:3

At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad, kahit tungkod, kahit supot ng ulam, kahit tinapay, kahit salapi; at kahit magkaroon ng dalawang tunika.

2 Mga Hari 22:19

Sapagka't ang iyong puso ay malumanay, at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Panginoon, nang iyong marinig ang aking sinalita laban sa dakong ito, at laban sa mga tagarito na sila'y magiging kagibaan, at sumpa, at hinapak mo ang iyong kasuutan, at umiyak sa harap ko: ay dininig naman kita, sabi ng Panginoon.

Mga Gawa 16:28

Datapuwa't sumigaw si Pablo ng malakas na tinig, na sinasabi, Huwag mong saktan ang iyong sarili: sapagka't nangaririto kaming lahat.

Ezekiel 3:18

Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.

Jeremias 13:22

At kung iyong sabihin sa puso, Bakit ang mga bagay na ito ay dumating sa akin? dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan ay nalilis ang iyong mga laylayan, at iyong mga sakong ay nagtiis ng karahasan.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a