93 Talata sa Bibliya tungkol sa Labi
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang.
Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa: na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita. Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi, ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios, Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan, at iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig?
Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak. Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya:
Iyong itinanim sila, oo, sila'y nangagkaugat; nagsisitubo, oo, sila'y nangagbubunga: ikaw ay malapit sa kanilang bibig, at malayo sa kanilang mga puso.
Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
At sinabi ng Panginoon, Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin, at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni't inilayo ang kanilang puso sa akin, at ang kanilang takot sa akin ay utos ng mga tao na itinuro sa kanila:
Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang.
Sapagka't ang inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang.
Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.
Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis:
Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman:
Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila.
Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit, at tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas. Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan, at ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa.
Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi.
Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi; na nangagsasalita laban sa matuwid ng kalasuwaan, ng kapalaluan at paghamak.
Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan.
Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay, Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi.
Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid.
Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan: nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon.
Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan, at ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa.
Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig; ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan: at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang dios, o marinig man sa inyong bibig.
Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.
Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:
Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, at umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis.
Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig; sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya.
Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig: nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan,
Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya.
Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay.
Sa ganang akin, ay hindi ako nagmadali sa pagpapakapastor sa pagsunod sa iyo; o ninasa ko man ang kaabaabang kaarawan: iyong nalalaman: ang lumabas sa aking mga labi ay nasa harap ng iyong mukha.
Ang kautusan tungkol sa katotohanan ay nasa kaniyang bibig, at ang kalikuan ay hindi nasumpungan sa kaniyang mga labi: siya'y lumakad na kasama ko sa kapayapaan at katuwiran, at inilayo sa kasamaan ang marami. Sapagka't ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig; sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo.
Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod: nguni't ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan.
Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan: nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa.
Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman: nguni't ang puso ng mangmang ay hindi gayon.
May ginto, at saganang mga rubi: nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas.
Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman. Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi.
Sapagka't aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig, at siya'y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan.
Ikinikindat ang kaniyang mga mata, upang kumatha ng mga magdarayang bagay: siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan.
Si Ana nga'y nagsasalita sa kaniyang puso; ang kaniya lamang mga labi ang gumagalaw, nguni't ang kaniyang tinig ay hindi naririnig: kaya't inakala ni Eli na siya'y lasing.
Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: pupurihin ka ng aking mga labi.
Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
Aking nililikha ang bunga ng mga labi: Kapayapaan, kapayapaan, sa kaniya na malayo at sa kaniya na malapit, sabi ng Panginoon; at aking pagagalingin siya.
At sinabi nila sa kaniya, Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito? At sinabi sa kanila ni Jesus, Oo: kailan man baga'y hindi ninyo nabasa, Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong nilubos ang pagpupuri?
Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.
Ibinigay mo sa kaniya ang nais ng kaniyang puso, at hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah)
Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:
Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.
Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.
Magsibangon kayo, kayong mga manglalasing, at magsiiyak kayo; at manambitan kayo, kayong lahat na manginginom ng alak, dahil sa matamis na alak; sapagka't nahiwalay sa inyong bibig.
Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka: kaya't naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo, at kanilang inilagay sa kaniyang bibig.
Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita, at bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo;
Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.
Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi. Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing; ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa, at ang iyong mga labi ng paghiyaw.
Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo; at ang kaluluwa ko, na iyong tinubos.
At si Moises ay nagsalita sa harap ng Panginoon, na sinasabi, Narito ang mga anak ni Israel ay hindi nakinig sa akin; paano ngang si Faraon ay makikinig sa akin, na ako'y may mga labing di tuli?
Aking narinig, at ang aking katawan ay nanginginig, Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig; kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako; Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan, Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin.
Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?
Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi, makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan, at dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot, takpan sila ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami: nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa.
Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig, at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,
At sinabi nila, Ano pa ang kailangan natin ng patotoo? sapagka't tayo rin ang nangakarinig sa kaniyang sariling bibig.
At pagkatapos ng maraming pagtatalo, ay nagtindig si Pedro, at sinabi sa kanila, Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya.
At sa iyo'y magiging pinakatanda sa ibabaw ng iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata, upang ang kautusan ng Panginoon ay sumaiyong bibig: sapagka't sa pamamagitan ng malakas na kamay, ay inalis ka ng Panginoon sa Egipto.
At siya'y pinatotohanan ng lahat, at nangagtataka sa mga salita ng biyaya na lumalabas sa kaniyang bibig: at sinabi nila, Hindi baga ito ang anak ni Jose?
Na sinambit ng aking mga labi, at sinalita ng aking bibig, nang ako'y nasa kadalamhatian.
At kung siya'y may asawa at magpanata o magbitiw na walang dilidili sa kaniyang labi ng anomang gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa;
Ang nabuka sa iyong mga labi ay iyong gaganapin at gagawin; ayon sa iyong ipinanata sa Panginoon mong Dios, na isang kusang handog, na ipinangako mo ng iyong bibig.
Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan; narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi, Oh Panginoon, iyong nalalaman.
Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.
Mga Paksa sa Labi
Ang Labi ng Masama
Kawikaan 24:28Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi.
Ang Labi ng Matuwid
Mga Hebreo 13:15Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.
Labis
2 Corinto 8:14Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay: ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito sa kanilang kakulangan, upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong kailangan; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay.
Labis na Kapaguran
Lucas 12:35Bigkisan ninyo ang inyong mga baywang, at paningasan ang inyong mga ilawan;
Labis na Katabaan
Kawikaan 23:2At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain.
Labis na Tiwala sa Sarili
Josue 7:3-4At sila'y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang buong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang buong bayan doon; sapagka't sila'y kakaunti.
Namanghang Labis
Awit 77:3Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa: ako'y nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
Pagpupuri sa Diyos gamit ang Labi
Mga Hebreo 13:15Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Dila
- Ang Labi ng Matuwid
- Bibig, Mga
- Dila
- Hangal, Katangian ng
- Iwasan ang Panlilinlang
- Kakulangan sa Kahulugan
- Kapalaluan