52 Talata sa Bibliya tungkol sa Damdamin

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Colosas 3:8

Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:

Hosea 11:8

Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.

Mga Bilang 5:30

O pagka ang diwa ng paninibugho ay sumasaisang lalake, at naninibugho sa kaniyang asawa; ay pahaharapin nga ang babae sa Panginoon at gagawin ng saserdote sa kaniya ang buong kautusang ito.

1 Samuel 17:28

At narinig ni Eliab na kaniyang pinakamatandang kapatid, nang siya'y magsalita sa mga lalake; at ang galit ni Eliab ay nagalab laban kay David, at kaniyang sinabi, Bakit ka lumusong dito? at kanino mo iniwan ang ilang tupang yaon sa ilang? Talastas ko ang iyong kahambugan, at ang kalikutan ng iyong puso; sapagka't ikaw ay lumusong upang iyong makita ang pagbabaka.

Santiago 3:15

Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo.

Isaias 58:1

Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.

Awit ng mga Awit 8:4

Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko, hanggang sa ibigin niya.

Awit 3:7

Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.

Awit 7:9

Oh wakasan ang kasamaan ng masama, nguni't itatag mo ang matuwid; sapagka't sinubok ng matuwid na Dios ang mga pagiisip at ang mga puso.

Daniel 1:9

Si Daniel nga ay pinasumpong ng Dios, ng lingap at habag sa paningin ng pangulo ng mga bating.

1 Juan 3:20

Sapagka't kung hinahatulan tayo ng ating puso, ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso, at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay.

2 Corinto 6:12

Hindi kayo nangakasisikip sa amin, kundi nangasisikipan kayo sa inyong sariling pagibig.

Judas 1:19

Ang mga ito ang nagsisigawa ng paghihiwalay, malalayaw, na walang taglay na Espiritu.

Mga Paksa sa Damdamin

Alanganing Damdamin

Deuteronomio 1:27

At kayo'y dumaing sa inyong mga tolda, at inyong sinabi, Sapagka't kinapootan tayo ng Panginoon, ay inilabas tayo sa lupain ng Egipto, upang tayo'y ibigay sa kamay ng mga Amorrheo, upang tayo'y lipulin.

Damdamin, Uri ng mga

2 Samuel 12:13-19

At sinabi ni David kay Nathan, Ako'y nagkasala laban sa Panginoon. At sinabi ni Nathan kay David, Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan; hindi ka mamamatay.

Kawalan ng Damdamin

Awit 95:8

Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba, gaya sa kaarawan ng Masa sa ilang:

Kawalang Damdamin

Kawikaan 23:35

Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.

Nanaig na Damdamin

Nahum 1:8

Nguni't sa pamamagitan ng manggugunaw na baha ay kaniyang lubos na wawakasan ang kaniyang dako, at hahabulin ang kaniyang mga kaaway sa kadiliman.

Pagpipigil ng Damdamin

Kawikaan 3:5-6

Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:

Puspos ng Damdamin

Awit 22:1-9

Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal?

Simbuyo ng Damdamin

Juan 21:17

Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.

Tao, Damdamin ng

Juan 16:33
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga BagayNagbibigay KaaliwanPinahihirapang mga BanalMasamang PananalitaTamang GulangKahirapan sa Pamumuhay KristyanoPaskoKahirapanPagiging KristyanoPagiging MagulangTao, Damdamin ngPagiging tulad ni CristoPagiging MagulangPagiging SundaloPagiging TakotPagiging Tagapaglakas-LoobPinagtaksilanPanghihina ng LoobPagdidisipulo, Pakinabang ngPagkataloPuso ng TaoKaharian, MgaPagkakakilala kay Jesu-CristoPositibong PananawKapayapaan, Karanasan ng Mananampalataya saKapayapaan sa Bagong Tipan, MakaDiyos naPagiingatKaligtasan, Katangian ngEspirituwal na Digmaan, Baluti saEspirituwal na Digmaan, Bilang LabananBagabagTagumpay laban sa mga Espirituwal na PuwersaPagtagumpayan ang Panghihina ng LoobJesu-Cristo, Pagtukso kayKapayapaan ng IsipanKapangyarihan ni Cristo, IpinakitaMasiyahinPagkabalisaPangako na TagumpayMananagumpayKalakasan ng Loob sa BuhayTulong ng Diyos kapag Pinanghihinaan ng LoobPananatili kay CristoCristo na MananagumpayAng Sanlibutan na Walang DiyosKaisipan, Sakit ngKatapanganTao, Labanan ang Likas ngPaghihirapPagasa sa Oras ng KagipitanNagtatagumpayKapayapaan at KaaliwanBuhay, Mga Paghihirap saPanlaban sa LumbayPagtagumpayan ang Mahirap na SandaliAng SanlibutanNananatiling Malakas sa Oras ng KabigatanKahirapanPagpapakasakitMakaraos sa KahirapanPagtagumpayan ang KahirapanProblema, MgaKaranasanDaraananPangunguna sa Kasiyahan

Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a