41 Talata sa Bibliya tungkol sa Espirituwal na Digmaan, Bilang Labanan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Efeso 6:13-17

Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay. Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran, At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;magbasa pa.
Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama. At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

1 Pedro 5:9-10

Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.

2 Samuel 22:40

Sapagka't ako'y binigkisan mo ng kalakasan sa pagbabaka: Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.

Awit 18:32-36

Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at nagpapasakdal sa aking lakad. Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa: at inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako. Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma, na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso.magbasa pa.
Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas: at inalalayan ako ng iyong kanan, at pinadakila ako ng iyong kahinahunan. Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko, at ang aking mga paa ay hindi nangadulas.

2 Paralipomeno 32:6-8

At siya'y naglagay ng mga pinunong kawal sa bayan na mangdidigma, at pinisan niya sila sa luwal na dako sa pintuang-bayan, at nagsalita na may kagandahang loob sa kanila, na sinasabi, Kayo'y mangagpakalakas at mangagpakatapang na mabuti, huwag ninyong katakutan o panglupaypayan man ang hari sa Asiria, o ang buong karamihan man na kasama niya; sapagka't may lalong dakila sa atin kay sa kaniya: Sumasakaniya ay isang kamay na laman; nguni't sumasaatin ay ang Panginoon nating Dios upang tulungan tayo, at ipakipaglaban ang ating mga pagbabaka, At ang bayan ay sumandal sa mga salita ni Ezechias na hari sa Juda.

Josue 10:25

At sinabi ni Josue sa kanila, Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban.

Zacarias 4:6

Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Lucas 22:31-32

Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.

Juan 16:33
Mga Konsepto ng TaludtodAng Sanlibutan na Walang DiyosCristo na MananagumpayKatapanganDaraananTao, Labanan ang Likas ngPaghihirapPagasa sa Oras ng KagipitanNagtatagumpayKapayapaan at KaaliwanBuhay, Mga Paghihirap saPagtagumpayan ang Mahirap na SandaliAng SanlibutanProblema, MgaPangunguna sa KasiyahanNananatiling Malakas sa Oras ng KabigatanKahirapanPagpapakasakitMakaraos sa KahirapanPagtagumpayan ang KahirapanTulong ng Diyos kapag Pinanghihinaan ng LoobNagbibigay KaaliwanMasamang mga BagayKahirapanPagiging MagulangPagiging SundaloPagiging TakotPagiging Tagapaglakas-LoobPagiging tulad ni CristoPinagtaksilanKalakasan ng Loob sa BuhayTagumpay laban sa mga Espirituwal na PuwersaKaharian, MgaKaisipan, Sakit ngMasiyahinMasamang PananalitaPagiingatPanghihina ng LoobPagiging KristyanoPagtagumpayan ang Panghihina ng LoobKaranasanPagkakakilala kay Jesu-CristoPanlaban sa LumbayPagkabalisaTamang GulangKaligtasan, Katangian ngPagdidisipulo, Pakinabang ngPananatili kay CristoPagiging MagulangJesu-Cristo, Pagtukso kayPositibong PananawPangako na TagumpayKahirapan sa Pamumuhay KristyanoEspirituwal na Digmaan, Baluti saPagkataloTao, Damdamin ngKapayapaan ng IsipanKapayapaan, Karanasan ng Mananampalataya saMananagumpayPaskoBagabagPuso ng TaoKapangyarihan ni Cristo, IpinakitaPinahihirapang mga BanalKapayapaan sa Bagong Tipan, MakaDiyos na

Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.

1 Pedro 4:12-13

Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay: Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

Mga Taga-Filipos 1:27-30

Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio; At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa Dios; Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:magbasa pa.
Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko.

Mga Taga-Roma 13:12-14

Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan. Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan. Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.

2 Corinto 10:3-4

Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman. (Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a